Responsableng paggamit ng AI, tinalakay sa librong Artificial Intelligence and the Catholic Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,822 total reads

Binigyang-diin ng dalawang Dominikanong theologian ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng Artificial Intelligence o AI, lalo na sa harap ng epekto nito sa trabaho, ekonomiya, katarungang panlipunan at ugnayan ng mga tao.

Ito ang isa sa mga pangunahing usaping tinalakay nina Leo-Martin Angelo R. Ocampo, OP at Ivan Efreaim A. Gozum, OP, mga may-akda ng aklat na “Artificial Intelligence and the Catholic Church: Challenges, Discernment and Hope in a Digital Age,” na inilunsad sa Manila International Book Fair 2026.

Ayon kay Ocampo, maaaring maging gabay ang aklat sa pag-unawa sa mga hamon at oportunidad na dulot ng AI sa iba’t ibang larangan, kabilang ang edukasyon, healthcare, pangangalaga sa nilikha, trabaho, ekonomiya at katarungang panlipunan.

Mahalaga aniya na suriin hindi lamang kung paano mapapakinabangan ng mga negosyo at iba’t ibang sektor ang technological advancement, kundi pati ang epekto nito sa mga manggagawa at sa lipunan. Kabilang dito ang mga usapin sa social justice na maaaring sumabay sa patuloy na pag-unlad at paggamit ng AI.

“Marami pong tinatalakay dito. Actually, meron education, para sa mga teachers; merong healthcare; nandiyan din po yung stewardship of creation. At nandiyan din yung work, economy, and justice. So, yung mga politiko, halimbawa, ano ba yung mga issues, social justice issues na kasama po ng AI? Marami po. We hope that there is something in it for everyone also,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ocampo.

Binigyang-diin naman ni Gozum na ang AI ay isang puwersang patuloy na humuhubog sa mga tao at sa lipunan. Dahil dito, mahalagang gamitin ang mga turo ng Simbahang Katolika upang masuri ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya at matiyak na hindi maisasantabi ang dignidad ng tao, human intelligence at tunay na human encounter.

Kabilang din sa binigyang-pansin ni Gozum ang hamon ng AI sa evangelization dahil maaaring makalikha ang AI ng content o maging tila isang preacher, ngunit hindi nito mapapalitan ang presensya ng tao na mahalaga sa paghahatid at pag-unawa sa mensahe ng pananampalataya.

Samantala, ibinahagi ni Ocampo na nauna nang maisumite ang manuscript ng kanilang aklat bago pa lumabas ang Magnifica Humanitas ni Pope Leo XIV. Gayunman, magkaugnay aniya ang mga tema ng dalawang aklat tungkol sa AI, ethics, kapayapaan, katarungan at tungkulin ng tao.

Ayon naman kay Gozum, maaaring ituring ang kanilang aklat bilang companion sa Magnifica Humanitas, dahil inilalapat nito ang mga prinsipyo kaugnay ng AI sa mga ordinaryong sitwasyon na kinakaharap ng mga estudyante, guro, pari at iba pang tagapaglingkod ng Simbahan.

“Ang AI po, kayang gumawa ng preacher na magsabi sa inyo ng kung ano-ano, pero pwedeng sabihin niya, ‘God is good and all.’ But it is only our human presence that can help us really appreciate that God is truly good. For the Church, that’s very important, kasi may mga nagsasabi na mawawalan ng relevance ang Simbahan because of AI. But I think no, it’s more than ever that the Church needs to make people feel their presence in the age of artificial intelligence,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Gozum.

Inilathala ng Claretians Communications Foundation, Inc. ang aklat, na layong tulungan ang mga mambabasa na higit na maunawaan ang AI at gamitin ito nang responsable alinsunod sa kabutihang panlahat.

Mabibili ang aklat sa Claretian booth sa Kalye Katoliko sa Manila International Book Fair, gayundin sa Claretian Bookstore sa Quezon City, mga nangungunang online shopping applications gaya ng Shopee at Lazada, at iba pang religious stores.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,545 total reads

 50,545 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,295 total reads

 147,295 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,564 total reads

 191,564 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,673 total reads

 214,673 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,587 total reads

 287,587 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,453 total reads

 28,453 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top