Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senado, dapat manindigan sa pambu-bully ng Malacanang.

SHARE THE TRUTH

 191 total views

Pinayuhan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang Senado na ituloy at maging matapang sa pag-imbestiga sa extra-judicial killings sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Hinimok naman ni Bishop Pabillo ang executive branch na iwasan ang paggamit ng dirty tactics upang sirain ang puri ng ibang tao.

Nanindigan ang Obispo na dapat idaan sa tamang imbestigasyon ang lahat ng isyu at huwag gamitin ang media para isapubliko ang bintang na hindi pa napapatunayan o nasiyasat ng mabuti tulad ng mga paratang kay Senator de Lima.

“Ang message ko sa Senate, ipagpatuloy nila yung imbestigasyon at maging matapang kasi ang mga tao naghahanap din ng sagot at sa executive naman nanawagan tayo don’t use dirty tactics, yung sisiraang puri yung mga tao na wala namang proper investigation . Kaya nga e-investigate din sila ng maayos sa halip na ipalalabas sa media na sabi-sabi pa lang di pa yan totoo.”pahayag ni Bishop Pabillo

Iginiit ni Bishop Pabillo na katotohanan ang kailangan ng taumbayan lalu na sa nagaganap na extrajudicial killing dahil ang pagpatay sa tao na walang due process ay mas malubhang imoralidad.

“Alam niyo ang pagpatay ng mga tao na walang due process ay imoral din at mas malaking immorality at ang pagmumura sa publiko ay imoral din. Kung ang driver ay konektado sa drugs ay paimbestigahan niya.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi dapat magamit ng sinuman ang kanyang kapangyarihan upang makapang bully o makapanakit ng ibang tao.

Nilinaw ng Obispo na ang isang demokratikong bansa ay nangangailangan ng oposisyon upang mapatunayan ang tunay na kahalagahan ng pagiging democratic country ng Pilipinas.

Binigyan diin ng Obispo na mahalaga sa kasalukuyan na ang mga isyu at usapin ay idaan sa tamang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan at hindi maging haka-haka lamang.

Mula sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 700 ang napapatay dahil sa drug buy -bust operations ng administrasyong Duterte.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,023 total views

 29,023 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,740 total views

 40,740 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,573 total views

 61,573 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,998 total views

 77,998 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,232 total views

 87,232 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Politics
Riza Mendoza

Go beyond politics

 6,392 total views

 6,392 total views Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na

Read More »
Politics
Riza Mendoza

Due process, ibigay kay de Lima

 5,785 total views

 5,785 total views Mabigyan ng due process o patas na paglilitis. Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos arestuhin sa Senado si Senador Leila

Read More »
Politics
Riza Mendoza

LAIKO, nanindigan sa Death penalty

 5,934 total views

 5,934 total views Umaapela ang Sanguniang Laiko ng Pilipinas sa Kongreso na huwag payagang maibalik ang death penalty sa bansa. Sa ipinalabas na pormal na pahayag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top