378 total views
The second Sunday of Lent is always Transfiguration Sunday. And the Gospel is always about Jesus on Mount Tabor and Moses and Elijah confirming that Jesus is God.
Yun lang po ang summary ng transfiguration.
Bakit may transfiguration?
Bakit may pagbabagong anyo?
Kasi si Hesus ay Diyos.
Pwede ba tayong magkaroon ng transfiguration?
Hindi po. Kasi hindi tayo Diyos.
Hindi tayo Diyos kaya wala tayong pagkakataon na sabihin mula sa langit – This is my beloved son.
Na hindi tayo puwedeng tabihan ni Elijah at ni Moses para i-confirm na tayo nga ay Diyos sapagkat hindi tayo Diyos.
The transfiguration revealed the hidden glory of Jesus.
It revealed the hidden power of Jesus.
It revealed the hidden radiance of Jesus.
The glow of Jesus that the eyes could not see.
They were able to see a transfiguration.
Kung hindi man tayong puwedeng magkaroon ng sariling transfiguration kasi hindi tayo Diyos. Pero ang totoo meron tayong konting kislap. Meron tayong konting kutitap sa atin puso. At iyon ay puwede nating palabasin upang meron din tayo ng pagkakakataon na paningningin…palabasin…paliwanagin ang Diyos na nasa ating puso.
We have the power to glow…
to be radiant…
to sparkle…
But that greatness is right within our hearts.
Ano iyong greatness natin na naghihintay na ipahayag natin?
Ano iyong greatness natin na kailangan natin alagaan?
At hayaan nating mamayani?
Ang unang greatness ay konsensya.
Our conscience is the source of our greatness.
Because the voice of conscience is the voice of God,.
At ang konsensya ay nanggagaling sa boses ng Diyos.
Hindi ito nanggagaling sa boses ng survey.
Hindi ito nanggagaling sa boses ng rally.
Hindi ito nanggagaling sa boses ng caravan.
Hindi ito nanggagaling sa boses ng motorcade.
At hindi ito nanggagaling sa palakasan lang ng sigaw.
Because the voice of conscience comes from God.
And therefore, my dear brothers and sisters, we should not allow our conscience to be formed by the surveys.
we should not allow our conscience to be formed by the majority vote or what is popular. Rather, the opposite should be true.
Ano iyon?
That conscience should determine the popular.
Conscience should determine the majority.
Conscience should determine the surveys.
Conscience is our secret sparkle.
Conscience is our secret glow.
At kung palalabasin natin ang boses ng konsensya, merong lalabas ng bayani. Merong lalabas na magaling. Merong lalabas na dakila mula sa atin.
The second glow na lalabas sa atin…the second “K” is katwiran.
Katwiran is reason.
Katwiran is logic.
And God has given us that capacity to reason.
It comes from our intelligence.
It comes from our wisdom that we received from the Lord.
Reason. Katwiran.
Mas maganda sa Tagalog.
Sapagkat yung katwiran ay hindi lang basta reason.
Iyong katwiran ay galing sa salitang tuwid.
Ang ibig sabihin ang magbibigay sa iyo sa tuwid na daan ay iyong katwiran. What will lead you to the path of righteousness is your sense of reason. Your sensitivity to reason, your capacity to listen to reason.
Kung ang katwiran natin ay kadakilaan natin, ano ba ang kabaliktaran ng katwiran?
Naririnig natin ito nitong mga nakaraang buwan…
Basta.
Kahit walang katwiran. Basta.
Kahit walang logic. Basta.
Kung crush mo, puwede mong sabihin sa aking – “basta”.
Kung tagahanga ka, puwede mong sabihin sa aking “basta”.
Pero kung boss ka, dapat gamitin mo ang katwiran. Hindi iyong “basta”.
Pero kung ikaw ang botante, dapat gamitin mo yung reason. Hindi iyong basta.
Because when we allow reason to shine out, we also allow greatness to shine in our lives.
Una, konsensya.
Pangalawa, katwiran.
At ang pangatlo na kutitap ng kadakilaan, na nakatanim sa ating kalooban ay kapwa-tao.
Kapwa-tao.
Kami po ay lumaki sa tahanang palaging isinaalang-alang iyong kapit-bahay.
Madali naming marinig sa aming mga magulang – Ano na lang ang sasabihin ng kapit-bahay?
Madali naming marinig sa aming mga magulang – Ano na lang ang sasabihin ng mga anak ninyo?
Ano na lang ang sasabihin ng mga bata? Bad example ka.
Ano na lang ang sasabihin ng mga bata, kung wala kang ginawa para sa kanilang kinabukasan?
Ang ibig sabihin ng kapwa-tao ay kabaligtaran ng “Ako muna”.
Kapag ang batas mo ay “Ako muna.”, magdidilim ang mundo.
Sapagkat ang liwanag ng mundo ay naroroon sa dalawang salita – Kapwa-tao.
Ano ang sasabihin ng mga kabataan kapag ginawa mo iyan?
Ano ang sasabihin ng mga kapit-bahay kapag ginawa mo iyan?
At isa-alang-alang natin hindi ang gusto ko…hindi ang kapakinabangan ko…kundi ang makakabuti sa kapwa ko.
Brothers and sisters, there is a hero.
There is a hero waiting to shine forth.
There is a little sparkle…there is a little glow in your heart.
Which is the glow of greatness.
Pakinggan ang konsensya, hindi ang majority rule.
Sapagkat kapag sumunod ka sa konsensya, palagi kang majority kasi kasabay mo ang Diyos. Makinig ka sa konsensya sapagkat ang konsensya ay tinig ng Diyos.
Gamitin ang katwiran hindi lang ang damdamin.
Sapagkat ang kandidato ay hindi crush.
Ang kandidato ang aplikante at tayo ang boss.
Gamitin natin ang kapwa-tao, hindi yung ako muna.
Sapagkat meron tayong pananagutan sa mga kabataan, sa kapit-bahay, sa pamayanan.
We cannot be transfigured because only God can be transfigured.
But we have a secret greatness. The greatness of conscience, of reason, of the common good. And let that greatness shine forth in your life. Let the hero in you come out.