5-porsiyentong dagdag singil sa premium rates, ipapatupad ng PhilHealth

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,649 total views

Isinusulong ng Philippine Health Insurance Corporation ang karagdagang 5% singil sa premium rates ng mga manggagawa ngayong taon.

Ayon sa ahensya, ito ay upang magkaroon ng sapat na pondo ang PhilHealth na aabot sa 17-bilyong piso na gagamitin sa pagpapatakbo ng mga programang katulad ng PhilHealth Konsulta at iba pang pangangailangan ng mga magkakasakit na Pilipino gayundin sa polisiya ng Universal Health Care law.

‘Nitong nakalipas na linggo, bagamat nasa batas ang pagpapatupad ng premium adjustments, ay minabuti ng PhilHealth na makipag-ugnayan sa ibat-ibang partners at stakeholders upang magkatuwang na ipatupad ang kahuli-hulihang contribution adjustments ayon sa UHC Law, at para siguruhing magtuloy-tuloy ang mga pinagbuting benepisyo ng mga miyembro,’ ayon sa mensaheng pinadala ng PhilHealth sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat din ang PhiHealth sa naging matagumpay na 2023 kung saan nakamit ng ahensya ang ibat-ibang tagumpay partikular na sa pagpapalawig sa bilang ng dialysis appointment na maaring makamit ng mga chronic kidney disease patients na umabot sa 156 session.

Noong nakalipas na taon din ay umabot sa 150% ang itinaas ng health packages na maari namang makamit ng mga pasyenteng may sakit na Pnuemonia, Hemorraghic at ischemic risk.

“I would like to thank PhilHealth, for the continuing partnership with the patient advocacy group, we truly appreciate the continuing communication: we have on each other and our partnership yo communicate to members about the benefits of PhilHealth,” ayon naman sa mensahe ni Karen Villanueva – Pangulo ng Philippine Alliance of Patients Organization na pinadala ng PhilHealth sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ng PhilHealth ang desisyon ng Pangulo bago ipatupad ang nationwide increase ng 5% premium rate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,251 total views

 9,251 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,980 total views

 76,980 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,132 total views

 100,132 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,247 total views

 170,247 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,311 total views

 244,311 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 5,441 total views

 5,441 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top