Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Child Care sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 99,263 total views

Sa Pilipinas, kapanalig, ang child care ay synonymous o kasingkahulugan ng ina. Pero 2024 na, dapat bang si nanay lamang ang may responsibilidad sa pag-aaruga ng anak?

Kapanalig, nag-iiba na ang panahon natin ngayon. Kung dati, lalaki lamang ang kasama sa work force ng bayan at ang mga ina ay naiiwan sa bahay para mag-alaga ng anak at tahanan, iba na ngayon. Pareho ng nagtatrabaho si Mister at Misis para sa pamilya. Kailangan na kasi para sa kabuhayan ng pamilya. Pero sino ang nag-aalaga ng kanilang mga anak?

Sa ibang mga pamilya, maswerte kapag laging available ang mga lola, tita, at mga nakakatandang kapatid para alagaan ang mga baby ng tahanan. Kadalasan, mga babae din ang mga nag-aalaga sa kanila. Kapag wala, karaniwang si nanay ang manatili sa bahay. Walang choice ang pamilya, kahit gipit na gipit na sila at kailangan ng second income.

Sa mga ganitong pagkakataon, maganda sanang isabuhay ang kasabihan na it takes a village to raise a child. Kailangan nating masiguro ang maayos  na pagpapalaki sa mga bata ng ating bayan. Kaya lamang, kung kulang na kulang na ang sweldo ng isang kabahayan, gutom ang  bata, kahit nandyan pa ang ina.

Sa puntong ito mahalaga ang suporta ng pamahalaan. Sa ibang bansa, ang child care services ay binibigay ng pribado at publikong sektor. May mga choices ang mga pamilya kung saan nila pwedeng iparuga ang bata habang sila ay nagtatrabaho. May mga kumpanya na may sariling child care services din para ang kanilang mga manggagawa ay kampante na ang kanilang mga anak ay nasa mabuting kamay at malapit lang sa kanila. May mga public day care services din sa iba na pwedeng magamit ng mga pamilya.

Napakahalaga ng mga ganitong serbisyo dahil hindi lamang ito nagbibigay daan para sa mga magulang na makapaghanap-buhay, nagbibigay din ito ng mga oportunidad para sa masiglang paglaki at pag-unlad ng mga kabataan. Hinahasa nito ang socialization skills ng mga bata at inihahanda sila para sa pormal na edukasyon. Kung may sapat na pondo sana ang mga barangay natin, maaring magawa din natin ito.

Ang kawalan ng child care services ay isa sa mga dahilan kung bakit ang bagal ng usad ng female labor participation rate sa bansa. Ayon sa pag-aaral ng NEDA, ang mga may asawa o partner ay mas hindi nakikilahok sa labor force kumpara sa mga single. Target ng pamahalaan na maitaas ang labor participation rate ng mga kababaihan, na nasa mga 50% lamang.

Ang child care services ay maaaring maging tugon dito. Ang mga ganitong serbisyo ay dapat nating inilalaan para sa mga pamilya dahil sabi nga sa Pacem in Terris, most careful provision must be made for the family both in economic and social matters as well as in those which are of a cultural and moral nature so that it can carry out its function.

Sana ay makapaglunsad tayo ng tunay na child care services sa mga barangay ng ating bansa na pinapatakbo ng mga skilled at licensed child care service providers.  It ay magiging daan para sa mga kababaihan na maging mas produktibo sa kanilang mga trabaho nang hindi nag-aalala sa kalagayan ng kanilang mga anak. Ito rin ay nagbibigay ng kapanatagan at saya sa mga bata habang ang kanilang mga magulang ay nasa trabaho. Maglaan sana ng pondo at programa para sa child care services ang ating pamahalaan, hindi lamang bilang tulong sa mga pamilya, kundi para sa ating ekonomiya. Ang kababaihan ay malaking untapped resource ng bansa, at kung tutulungan natin silang maabot ang kanilang potensyal, lahat tayo ay makikinabang.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,351 total views

 42,351 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,832 total views

 79,832 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,827 total views

 111,827 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,571 total views

 156,571 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,517 total views

 179,517 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,783 total views

 6,783 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,403 total views

 17,403 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 42,352 total views

 42,352 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,833 total views

 79,833 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,828 total views

 111,828 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,572 total views

 156,572 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,518 total views

 179,518 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,687 total views

 189,687 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,483 total views

 136,483 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,907 total views

 146,907 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,546 total views

 157,546 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,085 total views

 94,085 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top