Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,878 total views

Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17
(Pista ng Mahal na Ina ng Grasya)

Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience assistant sa Vatican na huwag kaming luluhod sa Santo Papa. Hindi niya kasi ito ikinatutuwa.

Kanina, ito ang bumalik sa isip ko matapos na marinig ko ang reaksyon ni San Pedro nang lumuhod si Cornelio sa harapan niya. Ganito raw ang sinabi niya, “Tumindig kayo. Ako’y tao ring tulad ninyo.” Bakit ganoon ang reaksyon ni San Pedro? Dahil sa tradisyon ng mga Hudyo—walang ibang sapat sambahin ang tao kundi ang Diyos. Totoo ba iyon? Oo naman. Hindi lang iyon sa Hudyo, sa Kristiyano rin. Diyos lang talaga ang dapat sambahin .

Kaya siguro ganoon din ang sinasabi ng isang kantang Tagalog na komposisyon nina George Canseco at Rey Valera na pinasikat ni Sharon Cuneta at ang pamagat ay SINASAMBA KITA. Ganito ang lyrics ng kanta:

Sinasamba kita
Higit sa iyong akalang iniibig lang kita
Paggalang ko sa iyo’y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay, ang buhay ma’y ibibigay ko pa
Sinasamba kita
Sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa ‘yo, masisisi Niya ba ako sinta
Sinasamba kita

Balik tayo sa Santo Papa. Sa kabila ng instructions na ibinigay ng audience assistant, ang dami pa ring pasaway na hindi sumunod. Noong nakakatayo pa ang Papa at matatag pa ang mga tuhod niya, hinahatak niya patayo ang mga lumuluhod sa kanya. Ngayon, dahil naka-wheelchair na siya, hindi na niya magawa iyon. Kaya hinahayaan na lang niya, pero kitang-kita mo sa mukha na nahihiya siya, o hindi niya ikinatutuwa.

Talagang may katigasan ang ulo nating mga tao, di ba? Bakit? Siguro dahil talagang ibig lang nating ipahayag ang pagsamba natin sa Diyos na hindi naman natin nakikita. Sa ating second reading, maiintindihan natin kung bakit napapaluhod tayo kung minsan sa mga taong taong mahal natin. Sabi ni San Juan, “Mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pagibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig.” Saan natin natatagpuan ang Diyos na ibig nating sambahin? Sa karanasan ng tunay, wagas at lubos na pag-ibig. Sinasabi rin ito ni San Pablo: Sa tatlong dakilang kaloob daw ng Espiritu Santo—Faith Hope and Love, ang pinaka-dakila ay LOVE, Pag-ibig. Ito lang ang puwedeng magpabago, magpaganda at magpabanal sa ating pagkatao.

Ito rin lang ang pinakamalinaw na tanda ng pagsasaatin ng Diyos. Ang pagiging maka-Diyos ng tao ay hindi naman nakikita sa pagiging madasalin, mapagsimba, o relihiyoso. Ang mga walang Diyos sa mundo ay hindi naman ang mga walang relihiyon kundi ang walang pag-ibig, ang mga hindi marunong magmahal sa kapwa, ang hindi marunong magmalasakit, magparaya, maglaan ng buhay. Ito rin ang sinasabi ni Hesus, ayon kay San Juan sa ating ebanghelyo. Ang tunay na tumutupad sa utos ng Ama ay ang nananatili sa pag-ibig ng anak. Karugtong ito ng binasa natin noong nakaraang LInggo: ang puno ng ubas at ang sanga. Matutuyo daw at hindi magbubunga ang ang alinmang sanga kapag nahiwalay ito mula sa puno. Bakit? Hindi dadaloy ang grasya na sa puno lamang pwedeng magmula.
Sa Araw na ito, ipinagdiriwang din ng ating Parokya at Dambana ang Pista ng ating Mahal na Ina sa title na Our Lady of Grace, Mahal na Ina ng Biyaya. Saan galing ang title na ito? Sa sinabi ng anghel kay Maria nang balitaan siya na lulukuban siya ng Espiritu Santo: “Napupuno ka ng Grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo.” Tayo rin ay napupuno ng grasya, kapag ang Panginoon ay sumasaatin. Ang Grasyang tinanggap at dinala ni Maria sa sinapupunan ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos na sugo ng Ama upang maging Tagapaghatid ng Grasya ng Espiritu Santo sa buhay ng lahat ng kanyang mga alagad at kaibigan.

Ito rin ang pinaghahandaan natin sa magkasunod na dalawang Linggo na magiging conclusion ng Pagkabuhay: ang pag-akyat ni Kristo sa Langit at ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga alagad, upang tayo’y isilang na muli bilang mga anak ng Diyos na pinagmumulan ng lahat ng grasya, upang lahat tayo’y maging daluyan din ng biyaya para sa buong daigdig.
Minsan, may lumapit sa akin. May luha pa sa mga mata niya. Sabi niya, nakita ko po si Jesus sa inyo habang nangangaral kayo, at noong itaas ninyo ang ostia. Saka siya lumuhod sa akin. Siyempre, tulad ni Pope Francis, pareho din ang reaksyon ko; pinatayo ko siya. “Nay, sa kanya ka lang lumuhod at sumamba.” Iyon ang tamang reaksyon ng tao kapag sumasaatin ang Diyos—ang panliliit, ang pagpapakumbaba. Dahil alam natin kung sino tayo—na tao rin tayo, makasalanan, ngunit dinadapuan din ng biyaya, hindi dahil mahal natin siya kundi dahil siya ang unang nagmahal sa atin.

Ganoon din ang reaksyon ni Maria nang dakilain siya ni Elisabet at tawagin siyang Ina ng Manunubos. Ang reaksyon niya ay ang kanyang Magnificat. Para bang gusto niyang sabihin: “Ate Beth, kung naramdaman mo sa akin ang biyaya; ito ay dahil biniyayaan niya ako, ako na kanyang abang alipin.”

Tama ang sabi ng kanta tungkol sa pagsamba ng taong nagmamahal nang tunay. Masisisi mo ba ang tao kapag natuto siyang magmahal nang labis at wagas? Iyon kasi ang sandali ng pagsasaatin ng Diyos, na siya ring naranasan ni Maria, ang ating Mahal na Ina: ang Pagsasakanya ng pinagmumulan mismo ng lahat ng grasya. Nagyari iyon nang buksan niya, hindi lang ang puso at kaluluwa, kundi pati sinapupunan upang maging tahanan ng Diyos. Tabernakulo ang tawag sa pinaglalagyan natin ng Kabanal-banalang Sakramento ng Eukaristiya, ng Kristong sumasaatin bilang Pagkain ng Buhay. Sinasamba natin siya di ba? At mamaya, pagkatanggap natin sa kanya, lahat tayo ay nagiging tabernakulo. Kailangan din nating matutuhang sambahin siya sa bawat kapwa na dapat nating matutunang mahalin kung paano niya tayo minahal.

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 4,472 total views

 4,472 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 55,035 total views

 55,035 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 4,034 total views

 4,034 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 60,217 total views

 60,217 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 40,412 total views

 40,412 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 66 total views

 66 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 66 total views

 66 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 67 total views

 67 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 66 total views

 66 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 938 total views

 938 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,140 total views

 3,140 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,174 total views

 3,174 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,527 total views

 4,527 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,624 total views

 5,624 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,846 total views

 9,846 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,570 total views

 5,570 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 6,940 total views

 6,940 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,201 total views

 7,201 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 15,894 total views

 15,894 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,605 total views

 8,605 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top