Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 320 total reads

Homiliya para sa Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Oktubre 29, 2026
Efeso 6:10–20; Lucas 13:31–35

Ang eksenang parang bumalik sa alaala ko na parang hawig sa eksena sa ating Ebanghelyo ngayon ay noong apostolic visit ni Pope Leo XIV sa Algeria, sa Africa. Habang nasa eroplano, tinanong siya ng mga international press people tungkol sa reaksyon niya sa mga sinabi laban sa kanya ni President Donald Trump.

Bago kasi iyon, binatikos ni President Trump ang Santo Papa, mahina daw ang Papa sa usapin ng kriminalidad at foreign policy. “Dagdag pa niya, “Leo should get his act together as Pope… and focus on being a Great Pope, not a Politician.”

Bakit? Dahil patuloy na nananawagan ang Santo Papa na itigil ang mga digmaan at humanap ng mapayapang paraan ng paglutas sa mga hidwaan.

Ano ang sagot ni Pope Leo kay Trump? “I have no fear of the Trump administration.” Pero nilinaw niya, “I am not a politician, and I do not want to enter into a debate with him.”

Parang ganiyan din ang eksena sa ating Ebanghelyo.

May ilang Pariseong lumapit kay Jesus at nagbabala: “Umalis ka na rito! Binabalaan ka ni Herodes!” Ano ang sagot ni Jesus? “Sabihin ninyo sa asong-gubat na iyon: patuloy akong magpapalayas ng mga demonyo at magpapagaling ng mga maysakit ngayon at bukas at sa ikatlong araw.”

Ibig sabihin, hindi ako magpapadala sa mga batikos at pananakot niya. Hindi ako titigil sa aking misyon. Ganiyan din ang paninindigan ni Pope Leo bilang apostol ng kapayapaan sa ating panahon.

Tumitindi na naman ngayon ang mga giyera at armadong sagupaan ng mga makapangyarihan bansa sa mundo ngayon. Parang bumabalik na naman ang kaisipang “Might is right.” Kung sino ang mas malakas, siya ang masusunod. Matira ang matibay!

Habang lumalaki ang mga badyet para sa militar at pag-aarmas, marami ang nangangambang napapabayaan ang mga esensyal na serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan. Kaya nagpoprotesta ang mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan, sa ilang bansa sa Europa.

Pero dito pumapasok ang magandang paalala ni San Pablo sa ating unang pagbasa.

“Ang pakikipaglaban natin ay hindi laban sa laman at dugo.” Hindi tao ang tunay nating kalaban, kundi ang mga kapangyarihan ng kadiliman, ang mga puwersa ng kasamaan.

Madalas kong sabihin: wala namang taong likas na masama. Pero may mga taong nagpapadala sa masamang espiritu—sa kasakiman, galit, takot, paghihiganti at pagkauhaw sa kapangyarihan. At kapag nagpadala tayo sa mga espiritung ito, ang tingin natin sa kapwa ay kalaban na dapat talunin, patahimikin, o lipulin.

Kaya napakahalagang maging spiritually intelligent. Ang tawag dito ay discernment—ang kakayahang kumilatis kung anong espiritu ang kumikilos sa ating puso, sa ating mga desisyon, at maging sa mga batas at patakaran sa ating lipunan.

Kaya nga sabi ni San Pablo, isuot natin ang baluti (armor) ng Diyos: katotohanan, katarungan, pananampalataya, at ang Ebanghelyo ng kapayapaan.

Pansinin ninyo: hindi mga sandatang pamatay ang ipinadadala sa atin ni San Pablo, kundi mga ispiritwal na sandatang panlaban sa kasamaan.

Mga kapatid, hindi natin kailangang kamuhian ang tao para labanan ang kasamaan. Maaari nating tutulan ang mali nang hindi kinamumuhian ang gumagawa nito. Maaari tayong manindigan sa katotohanan nang hindi nagiging marahas.

Kaya sa tuwing may haharapin tayong labanan, itanong natin: Sino ba talaga ang kalaban ko? Ang taong kaharap ko? O ang masamang espiritung gustong maghari sa puso naming dalawa?

Dahil ang tunay na tagumpay ng Kristiyano ay hindi ang pagkawasak ng kalaban, kundi ang pagkatalo ng kasamaan at ang pagkapanalo ng kabutihan sa puso ng tao, sa ating mga ugnayan, mga pamayanan at mga kalakarang panlipunan at pandaigdigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 388 total reads

 388 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 42,543 total reads

 42,543 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 76,670 total reads

 76,670 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 133,076 total reads

 133,076 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 331 total reads

 331 total reads Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko

Read More »

UNLEARNING OLD HABITS

 340 total reads

 340 total reads Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues

Read More »

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 9,136 total reads

 9,136 total reads At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and

Read More »
Scroll to Top