Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kultura ng pagpapanagot

SHARE THE TRUTH

 61,129 total views

Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon.

Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation, ang Saigon Joint Stock Commercial Bank, kung saan isa rin siya sa mga may-ari. Umabot sa 12.5 bilyong dolyar (o mahigit 700 bilyong piso) ang ninakaw ni Lan sa pamamagitan ng pamemeke ng mga loan applications. Inilagak ang perang nakulimbat ng tycoon sa libu-libong ghost companies o mga kompanyang gawa-gawa lamang. Upang pagtakpan ang krimen, sinuhulan din ni Lan at ng kanyang mga kasabwat ang mga opisyal ng pamahalaan. Ito nga raw ang pinakamalaking panunuhol na naibalita sa Vietnam.

Ang kasong ito ay bahagi ng national corruption crackdown ng gobyerno roon kung saan marami nang mga opisyal ng pamahalaan at miyembro ng tinatawag na business elite ang hinabol at kinasuhan. Nagsimula ang kampanyang tinawag na “Blazing Furnace” noong 2016, at nagpapatuloy ito hanggang ngayon. Dalawang presidente at dalawang prime ministers na nga nila ang bumaba sa puwesto at daan-daang opisyal naman ang pinatawan ng parusa o ipinakulong. Sa kaso ni Lan, ang parusang kamatayan, ayon sa hukuman, ay akma raw sa tindi at lawak ng krimeng kanyang ginawa.

Kailan kaya mangyayari ang ganitong pagpapanagot sa mga tiwali sa Pilipinas?

Hindi natin sinasabing kailangang patawan din ng parusang bitay ang mga nagnanakaw. Salungat ang death penalty sa ating paninindigang sagrado ang buhay ng tao at sa paniniwalang dapat bigyan ng pagkakataon ang mga gumagawa ng mali na magsisi at maituwid ang kanilang kamalian. Ang hinahanap natin ay isang sistemang pangkatarungan kung saan tunay na napananagot ang mga gumagawa ng mali at tunay na pinahahalagahan ang tiwala ng taumbayan. 

Sa ngayon kasi, dito sa atin, namamayagpag pa ang mga makapangyarihan sa ating lipunan sa kabila ng kanilang katiwalian. Iniluluklok pa nga natin sila sa puwesto, kahit pa napatunayan na ang kanilang pagnanakaw. Pati ang kanilang mga kamag-anak na nakinabang sa katiwalian, ibinoboto pa natin at hinahayaang kumapit sa kapangyarihan sa mahabang panahon.

Kasama nilang namamayagpag ang mayayaman at maimpluwensya. Gamit ang kanilang yaman, nagiging investment na nga nila ang pagsuporta sa mga pulitikong sa kanilang tingin ay magbibigay sa kanila ng maraming pabor para sa kanilang negosyo. Kahit pa makapanira ng kalikasan o makapagpalaganap ng kulturang hindi nagpapahalaga sa dignidad ng tao, kayang-kaya nilang impluwensyahan ang mga gumagawa at nagpapatupad ng batas. 

Nakikinabang sa isa’t isa ang mga ganid na pulitiko at negosyante, habang kapwa nila pinaiikot at binobola nila ang karaniwang tao.

Sa huli, ang pagkakaroon ng kulturang pinapagot ang mga gumagawa ng mali, anuman ang kanilang antas sa buhay o posisyon sa lipunan, ay mangyayari lamang kung tayong mga mamamayan ay naniniwala sa kahalagahan nito. Bahagi ito ng pagkakasundo at pagtutulungan ng mga bumubuo ng ating lipunan na hangad ng ating Simbahan, saad nga sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno. Hindi ito mangyayari kung hinahayaan nating umiral ang interes ng mga tiwaling miyembro ng political at business elite. Hindi ito mangyayari kung hinahayaan nating kontrolin ang pamahalaan at ekonomiya ng mga tao at grupong ang prayoridad ay magkamit ng kapangyarihan at magkamal ng kayamanan. 

Mga Kapanalig, hindi ba natin inaasam ang isang bayang makatarungan? Hindi ba natin gusto ang isang bayang tinutulungan ang naaapi, wika nga sa Isaias 1:17, sa halip na kinakanlong ang mga mapang-abuso at tiwali? Ang hangaring magkaroon ng ganitong lipunan sana ang magtulak sa ating bumoto nang tama sa mga darating na eleksyon. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 29,634 total views

 29,634 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 35,858 total views

 35,858 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 44,551 total views

 44,551 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 59,319 total views

 59,319 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 66,440 total views

 66,440 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 29,635 total views

 29,635 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 35,859 total views

 35,859 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 44,552 total views

 44,552 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 59,320 total views

 59,320 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 66,441 total views

 66,441 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 46,962 total views

 46,962 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 46,734 total views

 46,734 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 46,435 total views

 46,435 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 38,769 total views

 38,769 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 78,349 total views

 78,349 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 85,903 total views

 85,903 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 81,786 total views

 81,786 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 93,333 total views

 93,333 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 97,440 total views

 97,440 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 74,337 total views

 74,337 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top