Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Donation appeal for typhoon Carina victims, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 19,328 total views

Tiniyak ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan sa mga diyosesis na nasalanta ng baha dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng institusyon at Pangulo ng Radio Veritas, agad na kumilos ang Caritas Manila para matulungan ang mga mamamayang apektado ng kalamidad lalo na sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na sa panahon ng mga sakuna ay patuloy ang pagkilos ng simbahan para lingapin ang nasasakupang kawan lalo na ang mga dukha.

Kapag ganitong may disaster ang simbahan ay hindi nagpapahinga kundi higit na naging aktibo para tulungan ang ating mga Kapanalig. Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga Social Action Centers ng mga diyosesis na apektado rin ng kalamidad para tayo ay makatugon,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Kasabay ng matinding baha sa Metro Manila nitong July 24 ay agad na nagpahatid ng tulong ang Caritas Manila sa mahigit 500 residente ng Baseco, Tondo Manila na naapektuhan ng pag-ulan at malalakas na alon ng Manila Bay dahil sa Habagat.

Umapela si Fr. Pascual sa mananampalataya na makiisa sa hakbang ng institusyon sa pagtulong para matugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad kabilang na rito ang pagkain, damit, hygiene kits at iba pa. “Ang Caritas Manila mayroon tayong relief, restoration at rehabilitation program para sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan at gawa ng tao,” ani Fr. Pascual.

Hinikayat ng pari ang mga nais magpaabot ng inkind donation na magtungo sa tanggapan ng Caritas Manila sa Jesus St. Pandacan Manila o makipag-ugnayan sa official facebook page ng institusyon para sa karagdagang detalye kung paano makibahagi sa programa.

Bagamat hindi nag-landfall ang Bagyong Carina ay mas pinalakas nito ang hanging Habagat na nagdulot ng mga pag-ulan sa magkakasunod na araw mula noong July 22 kung saan ayon kay PAGASA Assistant Weather Services chief Chris Perez naitala sa 207 millimeters ang volume ng tubig ulan sa loob ng anim na oras mas mababa kumpara sa mahigit 300mm na tubig ulan sa pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 13,040 total views

 13,040 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 63,765 total views

 63,765 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 79,853 total views

 79,853 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 117,087 total views

 117,087 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 7,240 total views

 7,240 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 7,610 total views

 7,610 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 7,241 total views

 7,241 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top