Arsobispo ng Lipa at Zamboanga nahalal bilang mga pinuno ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,135 total views

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang bagong pangulo ng kalipunan. Ang arsobispo ang hahalili kay Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na matatapos ang termino sa November 30, 2025.

Naihalal din ng kalipunan si Zamboanga Archbishop Julius Tonel bilang Vice President na hahalili kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na matatapos din ang termino sa Nobyembre.

Si Archbishop Garcera ay kasalukuyang regional representative ng Southeast Luzon habang si Archbishop Tonel naman ang kinatawan ng South Mindanao sa CBCP.
Bago maordinahang obispo noong 2007 si Archbishop Garcera ay nagsilbing secretary general ng CBCP, executive secretary ng Episcopal Commission on Mission at national director ng Pontifical Mission Society.

Nagsilbi rin ang arsobispo bilang chairman ng Office on Laity and Family ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.

Samantala si Archbishop Tonel naman ay dating chairperson ng CBCP Commission on Liturgy at kasalukuyang namumuno sa Committee on Bishops’ Concern.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.

Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

Dalawang beses sa isang taon ang pagpupulong ng kapulungan at kung walang pagtitipon ang CBCP ang permanent council ang magsisilbing kinatawan ng buong kapulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 5,271 total views

 5,271 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 5,271 total views

 5,271 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 119,092 total views

 119,092 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 142,087 total views

 142,087 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 162,896 total views

 162,896 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top