45,519 total views
Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging mabunga ang tatlong araw na National Synodal consultations ng mga obispo kasama ang halos 180 delegado mula sa 87 ecclesiastical territories ng Pilipinas.
Sa huling araw ng pagtitipon sinabi ni Daet Bishop Herman Abcede na nawa’y maisabuhay ang mga panukala at rekomendasyong bunga ng talakayan alisunod sa pangangailangan ng bawat komunidad lalo na sa mga Basic Ecclesial Communities at mga pamilya.
Binigyang diin ng obispo ang pamamaraang B.E.S.T o (believe, enter, see, and touch) na maaring maging gabay sa pagsasakatuparan ng ninanais ng simbahan na synodality.
Iginiit ng obispo na sa pagbibigay ng sarili at sa tulong ng mga panalangin ay magkaroon ng bunga ang sinodo na isinusulong ng simbahan.
“When the Lord invites us to believe, to enter, to see, and to touch, He is challenging us to do the best. We will be able to do and give our best because of God’s grace. Let us always pray for the strength, courage, and perseverance to walk together with love along the path of growing and deepening spirit of synodality,” ayon kay Bishop Abcede.
Aminado si Bishop Abcede na nagkaroon din ito ng alinlangan sa synodality nang ilunsad ito ni Pope Francis noong 2021 subalit nang makilakbay ito sa kapwa at inunawa ang layunin ay kaisa na ito sa pagsusulong ng sama-samang paglalakbay bilang simbahan.
Sinabi ng Obispo na ang hindi maniwala at magtiwala, hindi pumasok sa mundo ng kapwa, hindi makilahok at hindi humawak sa Panginoon ay hindi makararating sa synodality na ninanais ng simbahan sa kristiyanong pamayanan.
“Pagkahaba-haban man ng prusisyon, mararating natin ang synodality na ninanais nating destinasyon, basta manatili tayong sama-sama, tulong-tulong sa pagsulon sa pagmimisyon,” giit ni Bishop Abcede.
Hamon nito sa mananampalataya ang sama-samang paglalakbay sa iisang hangaring ipalaganap ang diwa ng pagmimisyon kung saan ang bawat binyagan ay may natatanging tungkulin na dapat gampanan.
“We hope to carry out the recommendations and proposal, contextualizing them into our respective pastoral settings, and bringing them to life down to the level of BECs and families,” giit ni Bishop Abcede.
Pinangunahan ng obispo ang closing mass ng CBCP Annual Retreat at National Synodal Consultations na ginanap sa Tagbilaran City, Bohol katuwang sina Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo at Calbayog Bishop Isabelo Abarquez.