Labanan ang climate disinformation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 179,602 total reads

Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news! 

Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao, ginagamit na rin ang fake news para bigyang-katwiran ang pag-aabuso sa mga katutubo o indigenous peoples. 

Tinagurian “Asia’s deadliest country for environmental activists” ang Pilipinas. Batay sa tala ng Global Witness, mayroong halos tatlong daang pinatay na environmental activists sa bansa mula 2012 hanggang 2023. Isa sa tatlong biktima ay katutubo. Samantala, nanatili ang Pilipinas na isa sa pinaka-climate vulnerable na bansa sa buong mundo. Dahil sa ating lokasyon, nangunguna tayo sa mga bansang mataas ang kinakaharap na peligro dulot ng mga natural hazards katulad ng bagyo at lindol. Pinatitindi ng climate change ang mga natural hazards na nararanasan natin. 

Kaya naman, dobleng suliranin ang kinakaharap ng mga katutubo na kakabit ng kanilang buhay at kabuhayan ang kalikasan. Una, pinapatay sila dahil ipinagtatanggol nila ang kalikasan. Pangalawa, namemeligro ang kanilang buhay dahil sa pagtindi ng climate change. Tinatayang 15% ng ating populasyon o halos 17 milyon ang mga katutubo. 

Ngayon, paano pinalalalâ ng fake news o climate disinformation ang sitwasyon ng mga katutubo?

Binibigyang-katwiran o ginagawang normal ng fake news ang pang-aabuso at, higit na nakababahala, ang pagpatay sa mga katutubo. Tinatawag silang mga “komunista” at “terorista” dahil pinoprotektahan nila ang kalikasan. Ang ituring na komunismo o terorismo ang paninindigan nila para sa kalikasan, lalo na sa mapayapang pamamaraan, ay ang totoong fake news!

Itinuturing din silang kontrabida ng kaunlaran. Tinututulan kasi nila ang mga proyektong sinasabing para sa kalikasan at sa kaunlaran kahit na hindi naman ito tunay at pangmatagalagang solusyon o ‘di kaya ay iilang tao lang ang makikinabang. Greenwashing ang tawag dito, mga Kapanalig. Pinagmumukhang makakalikasan kahit hindi naman.

Dagdag sa mga ito ang gawa-gawang “consent” o pagpapahintulot ng mga katutubo. Ayon sa ating mga batas, kailangan ang free prior informed consent ng mga katutubo sa anumang proyektong gagawin sa kanilang mga lupain at makaaapekto sa kanilang pamumuhay. Sa kasamaang palad, nakagawian na sa bansa ang pekein ito o ‘di kaya ay iilan lamang ang kokonsultahin tapos isasapubliko ito bilang consent ng mga katutubo. 

Ang paglaganap ng fake news na ito o climate disinformation na nakatuon sa mga katutubo ay nauuwi sa pananakot, pagpapalayas o displacement, at karahasan. Samakatuwid, sumisira ng buhay at pumapatay ang fake news

Sinasabi sa Juan 8:32, “katotohanan ang magpapalaya [sa atin].” Sa isyung tinatalakay natin, katotohanan ang magsasalba sa mga katutubo. Ngunit bigo tayo at ang pamahalaan na protektahan sila, kasama na ang ating kalikasan, at manindigan para sa katotohanan. Katulad ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sa halip na ituring silang pangunahing katuwang o partner sa mga proyekto, tinitingnan lamang ang mga katutubo bilang mga minoryang maaaring maapektuhan. Binabaluktot ng mga sakim ang katotohanan laban sa mga katutubo at sa kanilang mga pinaninindigan. 

Ayon sa mga turo ng Simbahan, para sa mga katutubo ang lupa at kalikasan ay hindi isang kalakal o kasangkapan, ngunit biyaya mula sa Diyos at kanilang mga ninuno. Para sa kanila, ang kalikasan ay sagrado at karugtong ng kanilang pagkakakilanlan. Dahil dito, handa nilang ialay ang kanilang buhay upang maprotektahan ito. 

Mga Kapanalig, marami tayong matututunan mula sa pananaw ng mga katutubo sa kalikasan hanggang sa kanilang paninidigan para dito. Suportahan natin sila sa pamamagitan ng paglaban sa climate disinformation. Tumindig tayo para sa kanila tuwing tatawagin silang komunista o terorista. Itama natin ang greenwashing. Pabulaanan natin ang mga pekeng consent. Kung tunay na mapagpalaya ang katotohanan, lahat tayo ay hindi ganap na magiging malaya hangga’t may isang katutubong biktima ng fake news.

Sumainyo ang katotohan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,615 total reads

 24,615 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,854 total reads

 61,854 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,065 total reads

 80,065 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,393 total reads

 164,393 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,628 total reads

 200,628 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 24,616 total reads

 24,616 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,855 total reads

 61,855 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,066 total reads

 80,066 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,394 total reads

 164,394 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top