Pagbatikos ni US President Trump kay Pope Leo XIV, ikinabahala ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,773 total reads

Lubhang nababahala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa matinding pananalita at pahayag ng isang lider ng makapangyarihang bansa laban sa Santo Papa na ginagampanan lamang ang tungkulin bilang pastol.

Iginiit ng arsobispo na si Pope Leo XIV ay hindi isang personalidad na pampulitika kundi isang pastol na nagpapaalala sa mundo ng mahahalagang katotohanan tulad ng dignidad ng tao, kabanalan ng buhay, at panawagan sa kapayapaan.

“The Pope is, above all, a humble servant of God—one who carries the burden of reminding the world of truths that are often inconvenient, yet necessary: the dignity of every human person, the sacredness of life, and the urgent call to peace,” ayon sa pahayag ni Archbishop Uy.

Nilinaw ng arsobispo na ang pagsasalita ng punong pastol ng Simbahang Katolika ay nakabatay sa ebanghelyo na nagpapahayag ng kapayapaan.

“Pope Leo does not speak as a politician… The Church does not exist to compete for power, but to bear witness to truth,” dagdag ng arsobispo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Uy na ang paninindigan ng Santo Papa ay hindi paghusga sa tao kundi pagtuligsa sa mga gawaing nagdudulot ng digmaan at kawalang-katarungan.

“When he raises his voice, it is not to condemn persons, but to challenge actions… that lead to suffering, injustice, and war,” giit ni Archbishop Uy.

Sinabi ng arsobispo na sa bawat sigalot at digmaan ay nagdurusa ang mamamayan lalo na ang mga inosenteng biktima tulad ng mga bata, matatanda, kababaihan, at mga kabilang sa mga mahihinang sektor ng lipunan.

Mariing nanindigan si Archbishop Uy sa kanyang suporta kay Pope Leo XIV sa kabila ng mga pambabatikos ni US President Donald Trump.

“I stand firmly with Pope Leo—not because of position or obligation, but out of conviction… a Church that… chooses peace even when the world chooses conflict,” paninindigan ni Archbishop Uy.

Giit ng arsobispo, higit ito sa usapin ng personalidad kundi sa direksyon ng sangkatauhan tungo sa landas ng katarungan, katotohanan, at kapayapaan.

Umaasa ang arsobispo na magbuklod ang sambayanan sa pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan.

“May we have the humility to listen—not only to the voices of authority, but to the voice of conscience. And may that conscience lead us always toward peace,” ayon pa sa arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,020 total reads

 46,020 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,849 total reads

 125,849 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,296 total reads

 159,296 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,594 total reads

 194,594 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,366 total reads

 419,366 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top