Pag-iral ng pagkakaisa at dayalogo, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,777 total views

Patuloy na nanawagan si Pope Leo XIV ng mas pinaigting na pagsusulong ng pagkakaisa at dayalogo sa gitna ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya at kultura.

Ito ang mensahe ng Santo Papa kasunod ng kanyang pagbisita sa Algeria na bahagi ng kanyang Apostolic Journey sa African region.

Ayon kay Pope Leo, naging mahalagang hakbang ang naturang paglalakbay upang palalimin ang ugnayan ng mga tao sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

“I think we have really had a wonderful opportunity to continue building bridges and promoting dialogue,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin din ng punong pastol ang kahalagahan ng kanyang pagbisita sa isang mosque bilang konkretong halimbawa ng pakikipag-ugnayan sa ibang pananampalataya.

“I think the visit to the mosque was significant… although we have different beliefs, different ways of worshiping, and different ways of living, we can live together in peace,” ani ng santo papa.

Sa gitna ng mga umiiral na hidwaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, iginiit ng Santo Papa na mahalagang maipakita ang ganitong uri ng pagkakaisa at hinimok ang bawat isa na sama-samang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa ng mga pamayanan.

“To promote this kind of image is something the world needs to hear today. Together we can continue to offer it through our witness,” dagdag ni Pope Leo.

Pinasalamatan ng Santo Papa ang mamamayan ng Algeria, kabilang na ang mga lider ng bansa, sa mainit na pagtanggap sa kabila ng pagiging minorya ng mga Katoliko sa lugar.

Ikinalugod nito ang pagkakataong mabisita ang lugar ni Saint Augustine sa Hippo kung saan naglingkod ang santo na tagapagtatag ng Order of Saint Augustine na kinabibilangan ng Santo Papa bago maging obispo sa Peru.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 41,469 total views

 41,469 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 50,833 total views

 50,833 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 77,289 total views

 77,289 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 126,371 total views

 126,371 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 128,720 total views

 128,720 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

 4,035 total views

 4,035 total views Ibinahagi ng Diocese of Digos na ginawaran ng Archbishop Clovis Thibault Special Award ng Archdiocese of Davao si Bishop Guillermo Afable ng Digos

Read More »
Scroll to Top