Cardinal David, nagbabala sa pag-usbong ng spiritual celebrities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,861 total reads

Nagbabala si Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David laban sa pag-usbong ng “spiritual celebrities” sa mga charismatic communities, kung saan ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay maaaring maging instrumento ng pansariling karangalan sa halip na paglilingkod sa Simbahan.

Sa kanyang pahayag sa ikalawang National Spiritual Direction Conference ng CHARIS Philippines sa Liloan, Cebu nitong October 20, binigyang-diin ng kardinal na ang mga spiritual gifts ay ipinagkakaloob upang patatagin ang pananampalataya ng mga mamamayan sa Diyos.

“The Holy Spirit does not distribute gifts to create spiritual celebrities. The Spirit distributes gifts to build up the Body of Christ,” ayon kay Cardinal David.

Ayon sa kardinal, bagama’t mahalaga ang mga kaloob tulad ng pangangaral, pagpapagaling, propesiya at pagkilala sa mga kaloob ng Banal na Espiritu, dapat tiyaking ginagamit ang mga ito para sa kapakanan ng komunidad at hindi upang magtamo ng pagkilala o kapangyarihan.

“A charism is a gift of the Spirit not for the individual alone, but for the community,” giit ni Cardinal David, na nagbabala rin laban sa kompetisyon at labis na paghahangad ng pagkilala sa loob ng mga komunidad.

Hinamon ng kardinal ang mga lider ng Catholic Charismatic Renewal na huwag hayaang umaasa sa kanilang personalidad ang mga kasapi, kundi tulungang maging ganap na alagad na kayang gamitin ang kani-kanilang kaloob at gampanan ang kanilang pananagutan sa misyon ng Simbahan.

“The purpose of leadership is not to make people dependent on leaders. It is rather to help them become mature disciples, capable of exercising their own gifts and responsibilities,” ani Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na ang tunay na pamayanang puspos ng Espiritu Santo ay dapat mamuhay sa diwa ng synodality, kung saan kinikilala ang mga kaloob ng bawat kasapi, nakikinig sa isa’t isa, at sama-samang kumikilatis sa kalooban ng Diyos.

Iginiit din ng kardinal na hindi dapat manatili sa personal na pagbabagong espirituwal ang karismatikong paglilingkod, kundi humantong sa mas malalim na pakikibahagi sa misyon ng Simbahan, malasakit sa mahihirap,
pagsusulong ng katarungan at paglilingkod sa kapwa.

Nagbuklod sa ikalawang National Spiritual Direction Conference ang may 165 na delegado na binubuo ng mga obispo, mga pari, mga relihiyoso at mga lay leaders mula sa mga diyosesis at mga charismatic groups sa bansa.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,528 total reads

 21,528 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 46,152 total reads

 46,152 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,650 total reads

 116,650 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 203,165 total reads

 203,165 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 246,188 total reads

 246,188 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 294,086 total reads

 294,086 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top