Bishop Santos, humiling ng panalangin sa matagumpay na pilgrimage ng mga pari sa Europa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,255 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang matagumpay at ligtas na pilgrimage ng mga pari sa mga simbahan sa Europa.

Ayon sa obispo, isang mahalagang yugto ito sa buhay ng lokal na Simbahan kasunod ng pagdiriwang ng Jubilee Year sa paggunita ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Pilipinas at ika-100 anibersaryo ng canonical coronation.

Sinabi ni Bishop Santos na ito rin ay bahagi ng espirituwal na pagninilay at panibagong lakas sa paglilingkod ng mga pastol ng diyosesis.

“Now, it is the turn of your priests—your spiritual fathers—to embark on a pilgrimage of prayer and renewal,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Dagdag pa niya, ang paglalakbay patungong Portugal, Spain, France, at Italy ay matagal nang pinaghahandaan kung saan kabilang sa mga nakahanay na gawain ay pagdiriwang ng Banal na Misa sa iba’t ibang dambana ng Mahal na Birheng Maria at pakikipagtagpo sa Santo Papa.

Sa kabila nito, kinilala ng obispo ang pangamba dulot ng kaguluhan sa mundo, bagama’t tiniyak nitong magpapatuloy ang kanilang plano nang may pag-iingat at pananampalataya.

“We are aware that the recent events in the Middle East have caused anxiety and uncertainty. These realities weigh heavily on our hearts as well… Yet, with prudence, faith, and the guidance of those assisting us, we continue to prepare for this pilgrimage that has long been set in motion,” ayon sa obispo.

Hiling ng obispo ang panalangin ng mga mananampalataya hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi para sa kapayapaan ng buong mundo.

“We humbly ask for your prayers—for our safety, for peace in the world, and for the grace to return renewed in spirit,” saad pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Santos ang kanilang espirituwal na pakikiisa sa mga mananampalataya sa pag-aalay ng kanilang mga intensyon sa mga pagdiriwang ng banal na misa.

Umaasa ang obispo na ang nasabing pilgrimage ay magdudulot ng panibagong sigla sa bokasyon ng mga pari.

“May this Marian pilgrimage refresh our hearts, deepen our priestly commitment, and strengthen us for renewed service to you, our beloved people of God,” ayon kay Bishop Santos.

Ang unang pangkat ay kasalukuyang nasa pilgrimage mula pa noong April 7 hanggang 23 habang ang ikalawang pangkat naman ay nakatakda sa May 12 hanggang 18.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,579 total reads

 48,579 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,925 total reads

 85,925 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,224 total reads

 121,224 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,494 total reads

 347,494 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,104 total reads

 238,104 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top