International Wellness Day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 245,011 total reads

Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo?

Noong Marso, idineklara ng United Nations General Assembly ang ika-15 ng Abril bilang International Wellness Day batay sa panukala ng Nepal. Binibigyang-diin sa araw na ito ang holistic well-being o kabuuang kagalingan, kabilang na ang physical, mental, social, cultural, emotional, at ecological na kapakanan natin. Sa mga nangyayaring kaguluhan sa mundo ngayon, tila swak ang timing ng araw na ito.

Simula noong inilunsad ng Amerika at Israel ang giyera laban sa Iran mahigit isang buwan na ang nakalipas, nagkaroon na ng domino effect o naging sunud-sunod na ang mga krisis sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng pagmahal ng transportasyon, kuryente, at mga bilihin. May mga nawalan din ng hanapbuhay. Damang-dama ito nating lahat, lalo na ng mga batayang sektor gaya ng mga magsasaka, mangingisda, at maralitang tagalungsod.

Kaya naman, mahalagang kumustahin natin ang well-being ng isa’t isa sa panahon ngayon. May kakilala ba tayong matindi ang nararamdamang kalungkutan o pagkabalisa?

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office (o NCRPO), umabot sa 111 ang naitalang suicide cases sa Metro Manila mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Tatlong beses itong mas mataas sa 33 na kaso sa kaparehong mga buwan noong 2025. Ayon sa NCRPO, marami sa mga kaso ay dulot ng emosyonal na pagkabalisa, isyu sa relasyon, pagkawala ng mahal sa buhay, at pinansyal na kagipitan. Maiiwasan daw ang mga insidenteng ito kapag nakikilala natin ang mga maagang senyales at natutugunan ang mga ito nang may malasakit at agarang pagkilos. Binigyang-diin din ng NCRPO ang papel ng pamilya at komunidad sa pagpigil ng suicide. Dagdag ng ahensya, nakikipagtulungan sila sa mga barangay, paaralan, at komunidad upang palakasin ang early detection, rapid coordination, at immediate response. Maaaring tumawag din sa 911 para sa anumang emergency at agarang tulong.

Nakakaalarma ang balitang ito. Matagal na nating panawagan ang seryosong pagtugon sa isyu ng mental health. Pero hanggang ngayon, may mga mambabatas pa ring nagmamaliit sa problemang ito, gaya ng isang senador na tinawag na “weak” o mahina at “iyakin” ang mga kabataan ngayon na maaaring may pinagdaraanang mental health issue. Kailangan natin ng mga lingkod-bayan na nag-iisip batay sa siyensya at ebidensya, at may malasakit sa pagseserbisyo sa publiko. Higit pa sa angkop na pagtugon sa mga ugat ng mental health issues, kailangan natin ng mga patakarang makatao at makatarungan. Kailangan natin ng maayos na mga serbisyo, pasilidad, at imprastruktura upang mapangalagaan ang well-being ng isa’t isa.

Sinabi ni Pope Leo XIV na ang kalusugan ay hindi dapat luxury o pribilehiyo ng iilan. Sa halip, ito ay mahalagang kundisyon para sa panlipunang kapayapaan. Aniya, ang healthcare ay dapat accessible sa lahat, lalo na sa mga pinakabulnerable, upang maitaguyod ang kanilang dignidad at ang katarungan. Sa pagtutulungan natin, makabubuo tayo ng communities of solidarity na may kakayahang pangalagaan ang kagalingan ng bawat isa.

Mga Kapanalig, magkakasanga ang mga isyu sa buong mundo. Higit lalo sa panahon ngayon, tayo ay tinatawag na magtulungan “sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa,” gaya ng paalala sa Galicia 6:2. Maliban dito, huwag din nating kalimutang kumustahin at alagaan ang ating mga sarili. Ipaabot natin ang kabutihan at malasakit hindi lamang sa kapwa natin kundi pati na rin sa ating mga sarili.

Kung ikaw o ang kakilala mo ay nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health (o NCMH) sa kanilang crisis hotlines: 1553 (Luzon-wide landline toll-free), 0917-899-8727, 0966-351-4518, at 0908-639-2672.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,307 total reads

 32,307 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,288 total reads

 68,288 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,123 total reads

 122,123 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,093 total reads

 184,093 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,833 total reads

 251,833 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,308 total reads

 32,308 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,289 total reads

 68,289 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,124 total reads

 122,124 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »
Scroll to Top