Pag-alis ng coal moratorium, pinangangambahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,987 total reads

Labis na ikinababahala ng social, advocacy, at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panukalang pag-alis ng coal moratorium at paggamit ng mas mababang uri ng langis bilang tugon sa umiiral na krisis sa enerhiya.

Ayon kay Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang mga panukalang tinalakay sa pagdinig sa Senado noong April 13 ay pansamantalang solusyon lamang na maaaring magpalala sa matagal nang suliranin ng bansa sa pagdepende sa fossil fuel.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang ganitong sistema ng enerhiya ay naglalagay sa bansa sa panganib sa tuwing may sigalot sa ibang bahagi ng mundo, habang higit na pinapasan ng mahihirap ang epekto nito.

“When energy systems rely on these volatile sources, every international conflict quickly becomes a domestic crisis,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng Caritas Philippines na hindi “neutral” na pinagkukunan ng enerhiya ang coal dahil nagdudulot ito ng polusyon sa hangin, pagkasira ng kalikasan, at lalo pang nagpapalala sa krisis sa klima.

Binanggit din ni Bishop Alminaza ang kalagayan ng mga pamayanang apektado ng coal projects, kabilang ang Atimonan sa Quezon Province at mga lugar sa Zambales, kung saan nararanasan ng mga residente ang banta sa kalusugan at kabuhayan.

Nagbabala ang obispo na ang mga tinuturing na pansamantalang hakbang ay maaaring magdulot ng pangmatagalang suliranin sa enerhiya at kapaligiran.

“True energy security cannot be built on fuels that expose the nation to price shocks and long-term social costs,” ayon kay Bishop Alminaza.

Sa halip, hinikayat ng grupo ang pamahalaan na pabilisin ang paglipat sa renewable energy tulad ng solar, wind, geothermal, at marine energy na mas ligtas, praktikal at sustainable.

Iginiit ni Bishop Alminaza na dapat unahin ang kapakanan ng mamamayan at kalikasan sa pagbuo ng mga polisiya sa enerhiya.

Nanawagan ang Caritas Philippines sa lahat ng sektor na pangalagaan ang nag-iisang tahanan at isulong ang mga solusyong makakalikasan at makatao.

“We urge our leaders to choose a different path—one rooted in justice, sustainability, and peace,” saad ng grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,184 total reads

 11,184 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,436 total reads

 239,436 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,902 total reads

 132,902 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,931 total reads

 226,931 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,722 total reads

 270,722 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,089 total reads

 149,089 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top