Community pantry, binuksan ng Redemptorist Legazpi Mission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,505 total reads

Nagbukas ng community pantry ang Redemptorist Legazpi Mission Community upang tumulong sa mga driver ng jeep na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Tinagurian itong “Manong Para! Sainyo Po Ito,” na layuning maibsan ang araw-araw na pasanin ng mga tsuper na nahihirapang kumita ng sapat para sa kanilang pangangailangan.

“”Manong Para! Sainyo Po Ito” Redemptorist Legazpi Community Pantry.” Ayon sa Redemptorist Legazpi Mission Community.

Ayon sa mga tagapag-organisa, tugon ang programa sa patuloy na krisis na kinahaharap ng sektor ng transportasyon, partikular ang mga umaasa sa arawang pasada para sa kabuhayan.

Hinikayat din ng grupo ang publiko na makiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon, at binigyang-diin na kahit maliit na tulong ay malaking bagay upang mapanatili ang operasyon ng community pantry at mas marami pang tsuper ang matulungan.

Tumatanggap din ng in-kind donations na maaaring ihulog sa mga nakatalagang kahon sa loob ng simbahan o dalhin sa community pantry malapit sa pasukan ng Redemptorist Church Legazpi sa Lakandula Drive, Barangay Gogon, Legazpi City.

“You may also drop your cash or in-kind donations in the designated box inside our church or at our community pantry near the Church Entrance at Redemptorist Church Lakandula Drive, Brgy. Gogon, Legazpi City, Albay (052) 480-9475.” Bahagi ng paanyaya ng Redemptorist Legazpi Mission Community.

Bukas ang community pantry araw-araw mula alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon bilang patuloy na tanda ng malasakit at pakikiisa ng Simbahan sa mga apektado ng krisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,895 total reads

 28,895 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,828 total reads

 65,828 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,039 total reads

 84,039 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,367 total reads

 168,367 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,423 total reads

 204,423 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,933 total reads

 37,933 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top