Pagkalinga sa kapwa, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,999 total reads

Pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang bawat isa sa pananagutan na pangalagaan ang kapwa, lalo na ang mga bata at mahihina.

Sa kanyang pagbisita sa Ngul Zamba Orphanage sa Cameroon, binigyang-diin ng Santo Papa na tungkulin ng mga binyagan ang pagkalinga sa kapwa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng kultura at antas ng buhay.

“In a world often marked by indifference and selfishness, this home reminds us that we are the ones who need to look after our brothers and sisters, and that, in God’s great family, no one is ever a stranger or forgotten, no matter how small he or she may be,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Inilarawan ng pastol ang ampunan bilang isang tunay na tahanan kung saan ang mga bata ay tinatanggap ng Diyos bilang Kanyang mga anak.

“Here, above all, it is our Heavenly Father who welcomes you with love as his children… Indeed, you form a true family here,” ayon sa Santo Papa.

Dagdag pa ng pastol, si Hesus ang “eldest brother” na nagbibigay-lakas upang harapin ang mga pagsubok at maranasan ang tunay na kagalakan sa buhay.

Kinilala rin ni Pope Leo XIV ang mga sugat na dinadala ng mga bata kabilang na ang pagkawala, takot, at pag-abandona, ngunit iginiit na hindi ito ang magtatakda ng kanilang kinabukasan.

“You are called to a future that is greater than your wounds. You are bearers of a promise. God is present… and is very close to you,” giit ng Santo Papa.

Kinilala at pinasalamatan rin ng Santo Papa ang mga tagapangalaga ng mga bata tulad ng mga madre, guro, kawani, at boluntaryo, bilang mga buhay na patotoo ng pag-ibig ng Diyos.

“Through your patience and dedication, you offer much more than mere material support: you offer these children a presence, a listening ear, a family, and a future,” aniya.

Ipinagkatiwala ni Pope Leo ang lahat sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria, na patuloy na gumagabay, nagbibigay ng aliw, at umaakay sa bawat isa tungo kay Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,273 total reads

 210,273 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,946 total reads

 244,946 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,846 total reads

 260,846 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,336 total reads

 297,336 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,443 total reads

 303,443 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top