Pax Christi International, nagpahayag ng suporta kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,189 total views

Nagpahayag ng suporta ang Pax Christi International kay Pope Leo XIV sa gitna ng hamon sa kapayapaan sa buong daigdig.

Sa pamamagitan ng isang pampublikong liham ay ipinaabot nina Pax Christi International Co-Presidents Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Sr. Wamuyu Teresia Wachira ang pakikiisa at suporta kay Pope Leo XIV sa patuloy na pagsusulong ng Santo Papa ng kapayapaan, katarungan, at kawalan ng karahasan sa gitna ng mga pandaigdigang hamon.

Partikular na nagpahayag ng paninindigan ang Pax Christi International laban sa pambabatikos ni US President Donald Trump kay Pope Leo XIV dahil sa patuloy na apela nito sa dayalogo, kapayapaan at pagwawakas ng armadong sagupaan sa daigdig.

“In these days of heightened public tension, following recent political exchanges concerning your pastoral voice, particularly remarks attributed to President Donald Trump and the public debate that has followed, we wish to assure you of our closeness and support. In moments when public discourse becomes polarised and the dignity of dialogue is at risk, your steady witness to the nonviolent Gospel offers a vital moral compass.” Bahagi ng pahayag ng Pax Christi International.

Iginiit din ng organisasyon na ang tunay na kapayapaan ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng tao, at hindi makakamtan kung patuloy na umiiral ang karahasan, kawalan ng katarungan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Binigyang-diin din ng Pax Christi International ang panawagan para sa mas pinaigting na pandaigdigang pagtugon sa mga ugat ng karahasan tulad ng structural injustice, exclusion, at maling paggamit ng kapangyarihan ng mga lider ng pamahalaan.

“Your Holiness, your teaching continues to echo and deepen what we, as Pax Christi International continue to affirm: that peace is inseparable from human dignity, that human rights are undermined wherever violence is normalised, and that credible peacebuilding requires a consistent commitment to nonviolence, justice, and the protection of all, especially those most affected by conflict. In that same spirit, we call for a renewed global commitment to addressing the root causes of violence, including structural injustice, exclusion, and the misuse of power.” Dagdag pa ng Pax Christi International.

Pinasalamatan din ng organisasyon ang Santo Papa sa kanyang ‘prophetic ministry’ at sa patuloy nitong paggabay sa Simbahan at sa buong mundo sa landas ng kapayapaan.
Pinuri rin ng Pax Christi International ang paanyaya ni Pope Leo XIV para sa isang ‘disarmed and disarming peace,’ na sumasalamin sa landas ng Ebanghelyo na isang kapayapaang isinasabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig, matapang na pakikipagdiyalogo, at mapayapang paglaban sa kawalang-katarungan.

“As Pax Christi International, the Catholic peace movement rooted in the Gospel and present in more than 60 countries, we write to you in prayerful solidarity and deep gratitude for your prophetic ministry of peace, justice, and nonviolence in our fractured world.” Ayon pa sa Pax Christi International.

Kinilala rin ng organisasyon na ang paninindigan para sa kaayusan at kapayapaan ay hindi maiiwasang makaranas ng pagtutol at hindi pagkakaunawaan, ngunit isang mahalagang misyon ng Simbahan bilang tagapagdala ng kapayapaan sa mundo.

Binanggit din ng Pax Christi International na isang global Catholic movement for peace and Gospel nonviolence ang kanilang pagpapahalaga sa naging pagbati ng Santo Papa sa Pax Christi USA National Conference, na nagsisilbing tanda ng kanyang pakikiisa sa pandaigdigang kilusan para sa kapayapaan.

“As Pax Christi International, the Catholic peace movement rooted in the Gospel and present in more than 60 countries, we write to you in prayerful solidarity and deep gratitude for your prophetic ministry of peace, justice, and nonviolence in our fractured world. We also recall with appreciation your recent greetings to the Pax Christi USA National Conference, which were received as a sign of encouragement and closeness to the global peace movement and its mission.” Ayon pa sa Pax Christi International.

Samantala, tiniyak naman nina Bishop Bagaforo at Sr. Wachira, ang kanilang patuloy na panalangin at pakikipagtulungan sa Santo Papa sa pagsusulong ng mundong walang karahasan at aktibong nagtataguyod ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 42,458 total views

 42,458 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 51,822 total views

 51,822 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 78,278 total views

 78,278 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 127,321 total views

 127,321 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 129,599 total views

 129,599 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top