Kapabayaan ng DENR, binatikos ng mga makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,174 total reads

Nagtipon ang mga makakalikasang grupo sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang manawagan ng pananagutan at katarungan kaugnay ng sunod-sunod na trahedya sa mga landfill sa bansa.

Pinangunahan ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE) ang kilos-protesta matapos ang mga insidente ng pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu noong Enero, landslide sa Rodriguez, Rizal noong Pebrero, at ang patuloy na sunog sa saradong landfill sa Navotas na nagdulot ng pagkasawi, pinsala, at panganib sa kalusugan ng mga komunidad.

Ayon kay Kalikasan PNE national coodinator Cathleen de Guzman, hindi aksidente ang mga trahedya kundi resulta ng kapabayaan at pagsasapribado ng pamamahala sa basura, kung saan inuuna ang kita kaysa kaligtasan ng mamamayan.

“The DENR fails to properly monitor landfills operations, continues to permit dumping beyond capacity, and maintains dilapidated facilities and equipment. This is bureaucrat capitalism, where government officials protect corporate profits instead of protecting people and the environment,” pahayag ni de Guzman.

Binanggit ng grupo na umabot sa hindi bababa sa 36 ang nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu, habang tinatayang mahigit 50 katao ang natabunan sa insidente sa Rizal batay sa ulat ng mga saksi—taliwas sa mas mababang bilang na inilabas ng mga kinauukulan.

Ipinunto rin ng Kalikasan PNE na naapektuhan ang kalidad ng hangin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kasunod ng sunog sa Navotas landfill, kung saan naitala ang “very unhealthy” at “unhealthy” na antas ng polusyon sa ilang lungsod.

Bilang simbolo ng panawagan, naglatag ang mga makakalikasang grupo—kabilang ang Greenpeace Philippines at Samahan ng Magkakapitbahay sa Upper Smokey Mountain—ng isang mock air quality index meter na may mensaheng tumutuligsa sa kapabayaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng kapaligiran.

Binigyang-diin ni Greenpeace Philippines Communications Campaigner Karl Orit, na hindi solusyon ang landfill at waste-to-energy facilities sa suliranin sa basura dahil nagdudulot lamang ito ng dagdag na panganib sa kalusugan at kapaligiran.

“This latest landfill catastrophe—the third so far this year—underscores how the government’s approach to waste is a total disaster. Waste disposal, whether in landfills or in burn facilities, does nothing to address the waste problem and, worse, poses serious risks to nearby communities,” giit ni Orit.

Kinondena rin ng mga grupo ang ilang pribadong kumpanya na sangkot sa operasyon ng mga landfill, kabilang ang International Solid Waste Integrated Management Specialist Inc. at Prime Integrated Waste Solutions, na iniuugnay sa mga insidenteng nagdulot ng pagkasawi at panganib sa mga manggagawa at residente.

Dahil dito, nanawagan ang Kalikasan PNE sa pamahalaan na papanagutin ang mga may sala, paigtingin ang mga regulasyon, at isulong ang mas ligtas at makakalikasang sistema ng pamamahala ng basura.

“It’s high time we need to reverse the privatization of the country’s waste management. As part of public service, the government must take full responsibility in ensuring safe, clean, and proper waste collection and disposal. But first, private corps responsible for the recent landfill disasters must be prosecuted and made accountable,” saad ni De Guzman.

Una nang binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping panlipunan kundi isang pananagutang moral at espiritwal bilang paggalang sa sangnilikhang ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan—hindi upang abusuhin, kundi alagaan at pagyabungin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 35,375 total reads

 35,375 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,923 total reads

 85,923 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 133,794 total reads

 133,794 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 237,742 total reads

 237,742 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 322,041 total reads

 322,041 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,993 total reads

 165,993 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top