1,435 total reads
Binigyang-diin ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma at National Coordinator for Filipino Chaplains sa Italya, ang pangangailangan para sa mas flexible at mas organisadong pastoral care sa lumalaking bilang ng mga Pilipinong migranteng manggagawa sa Silangan at Kanlurang Europa.
Sa kanyang mensahe mula sa Budapest, Hungary, ibinahagi ni Fr. Gaston na siya ring Vatican Correspondent ng Radyo Veritas ang nagaganap na taunang “Kamustahan Filipino Chaplains”, na ngayong taon ay ginaganap mula Oktubre 19 hanggang 23, 2026.
Ayon sa Pari, sampung Filipino chaplains mula sa Italya ang nakadalo sa pagtitipon, kasama ang tig-isang chaplain mula Croatia at Hungary na nagsilbing host sa Budapest.
Pagbabahagi ni Fr. Gaston, mula nang simulan noong 2022 ang taunang Kamustahan ng mga Filipino chaplains sa Italya, naging pagkakataon ito upang mapag-usapan ang patuloy na pagbabago sa sitwasyon at pastoral needs ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Europea.
Karaniwang ginaganap sa Italy ang pagtitipon, habang noong 2024 ay isinagawa ito sa Madrid at noong 2025 ay sa Roma bilang bahagi ng Jubilee Year.
“We have this annual Kamustahan of Filipino chaplains in Italy since 2022; usually held in Italy, in 2024 in Madrid, in 2025 in Rome for the Jubilee Year, and this week, October 19-23, 2016, in Budapest.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.
Lumalaking bilang ng mga Pilipino sa Eastern Europe
Inihayag ni Fr. Gaston, kabilang sa napansin ng mga Filipino chaplain sa Europa ang mabilis na pagdami ng mga Pilipinong manggagawa sa Croatia at Hungary, kung saan mula sa tinatayang 1,000 ay umabot na sa 20,000 ang bilang ng mga Pilipino sa loob ng lima hanggang sampung taon.
Bukod dito, patuloy rin umanong tumatanggap ng mga Pilipinong manggagawa ang iba pang bansa sa Eastern Europe.
Ayon kay Fr. Gaston, makikita ang presensya ng mga Pilipino sa iba’t ibang sektor gaya ng mga tahanan, pabrika, hotel, restaurant at financial sector, kung saan sila ay tinatanggap nang mabuti ng mga komunidad.
“Among other things we see the sudden influx of Filipino workers in Croatia and Hungary, from 1,000 to 20,000 persons in a span of 5 to 10 years. Other Eastern European countries also welcome us. Filipinos are well loved in the homes, factories, hotels, restaurants, financial sector, etc.” Ayon kay Fr. Gaston.
Dahil dito ayon kay Fr. Gaston, kabilang sa kanilang natalakay ang pangangailangan na higit pang pag-ibayuhin ang pastoral care para sa mga Filipino migrants hindi lamang sa Western Europe kundi maging sa mga bagong destinasyon ng mga Pilipinong manggagawa sa Eastern Europe.
Isa sa mga nakikitang pangangailangan, ayon kay Fr. Gaston, ay ang pagkakaroon ng mas agile na paraan ng pamamahagi at pagtatalaga ng mga pari sa iba’t ibang diyosesis at maging sa iba’t ibang bansa.
Ayon ng Pari, layunin nitong mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino communities nang hindi nalilimitahan ng mga hangganang diocesan o national, habang patuloy na iginagalang at sinusunod ang mga alituntunin at pastoral directions ng mga lokal na obispo.
Mahalaga rin, aniya, ang pagsisikap na maisama ang mga Pilipino sa buhay ng local Churches sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan at tinitirhan.
Ang ganitong direksyon ay naaayon sa pastoral approach na naglalayong maging tulay ang Filipino chaplains sa pagitan ng mga migranteng Pilipino at ng local parish, sa halip na maihiwalay ang Filipino communities mula sa lokal na Simbahan.
“To respond to this emergent need in Eastern Europe and continuous need in Western Europe, we also see the urgent need to come up with a better way to agilely distribute our priests across dioceses and even countries (without being hindered by diocesan or national boundaries, always following the indications of the local bishops and, in fact, exerting effort to incorporate our Filipinos into the local Churches)” Dagdag pa ni Fr. Gaston.
Pagbabahagi ni Fr. Gaston, hindi lamang sapat na mabigyan ng pastoral care ang mga Filipino mmigrans, sa halip ay mahalaga ring matulungan silang makita ang kanilang sariling papel sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
“Not only to take good care of them but also to make them aware of being active evangelizers, regularized bearers of the faith and not simply ‘smugglers of the faith’.” Ani Fr. Gaston.
Una ng binigyang-diin ng Pontificio Collegio Filippino na ang mga Filipino migrants ay maaaring maging “lay missionaries” sa mundo, habang ang mga Filipino chaplain naman ay nagsisilbing tulay upang maisama sila sa buhay ng mga lokal na diyosesis.




