The Pattern We Keep Missing

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 139,861 total views

Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability. Hinahanap natin kung sino ang nagkukulang., sino ang may pananagutan.

Pero ang katotohanan, unti-unti nang namamatay ang tinatawag na accountability sa Pilipinas!

Bakit? dahil nakatutok lagi tayong mga Pilipino sa mga executor, nakalimutan nating alamin kung sino-sino ang mga authors ng mga ipinapatupad na batas. Meron nang pattern., palagi nating nakikita kung sino ang pumirma sa batas, nakaligtaan nating silipin kung sino-sino ang sumulat, gumawa ng palpak na batas behind closed doors.

Sa paulit-ulit na krisis na ating pinapasan mga Pilipino dulot ng hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, sino ang dapat sisihin? Sisihin natin ang away ng Amerika at Iran na nagresulta sa digmaan sa Middle East?

Sa totoo lang Kapanalig, hindi natin sana masyadong maramdaman ang bigat ng epekto ng kaguluhan sa Middle East kung wala ang RA 8479 o Oil Industry Deregulation Act. Dahil sa Oil Deregulation Law, hindi mapipigilan ang mga kumpanya ng langis na magtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahit sobra-sobra pa ang kanilang buffer stocks. Dahil sa Oil Deregulation law, pinapayagan ang mga kumpanya ng langis na magpatupad ng oil price hike.

Dahil sa Oil Deregulation law na nilagdaang batas ng dating pangulong Fidel V. Ramos dahil sa matinding pressure sa World Bank., walang kontrol ang estado o gobyerno na pangasiwaan ang presyuhan ng mga produktong petrolyo.

Sa tuwing may oil crisis sa Middle East, nagkukumahog na naman ang mga mambabatas na i-repeal o lusawin na ang Oil Deregulation law na nagpapaghirap sa ating mga Pilipino. Sa gitna ng krisis, nakalimutan na naman natin kung sino-sino ang nagpanukala at nagpasa ng batas sa Kongreso bago malagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas.

Kapanalig, bago ang RA 8479, mayroong Oil Price Stabilization Fund-isang government managed budget allocation., ang OPSF ang sumasagot sa anumang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis. Dahil sa OPSF, hindi maaring magpatupad ng anumang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ng hindi dumadaan sa public hearings. Ang problema, ayaw ng mga kumpanya ng langis na maging mabagal at maliit lang ang kanilang kita kaya ginamit ang pera upang maisabatas ang Oil Deregulation law., ang dahilan, upang payagan daw ang pagpasok ng mga maliliit na oil industry players na dating kontrolada ng tatlong oil cartel na PETRON, CALTEX at SHELL.

Mayroong apat na dahilan sa deregulations ng oil industry: 1. To stabilize and provide reasonable prices 2.To encourage competition 3. To encourage investments 4. To remove cross-product subsidies. Ano ang nangyari Kapanalig? Sa kasalukuyan, pinaplantsa ng kongreso ang “BAYANIHAN 3” supplemental budget na nagkakahalaga ng 400-bilyong piso. Ito ang kanilang sagot upang matugunan ang matinding epekto ng oil crisis na likha ng digmaan ng IRAN at Amerika sa ekonomiya ng Pilipinas.

Isa lang malinaw Kapanalig, ang mga dinaranas nating kahirapan mga Pilipino ay dulot ng mga palpak na batas ng ating mga mambabatas na hanggang sa kasalukuyan ay walang accountability.

Ipinapaalala sa ating makasalanan Kapanalig ng CORINTHIANS 5:10 na “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due us for the things done while in the body, whether good or bad.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,043 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,149 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 71,162 total views

 71,162 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,874 total views

 140,874 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,158 total views

 172,158 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,171 total views

 204,171 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 352,817 total views

 352,817 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 71,163 total views

 71,163 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,875 total views

 140,875 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,159 total views

 172,159 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,172 total views

 204,172 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top