Bishop Evangelista, nakiisa sa mga migranteng Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,686 total reads

Nakikiisa si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mga migranteng Pilipino na apektado ng umiiral na sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa kanyang liham sirkular, batid ng obispo ang hirap na dinaranas ng mga migrante sa ibayong-dagat, kaya’t tiniyak nito ang pagpapaigting sa pagkalinga ng kanilang hanay.

“Mindful of the ongoing conflict in the Middle East and its profound impact on our migrant brothers and sisters, the Ministri sa mga Migrante of the Diocese of Imus enjoins all parishes and religious communities to intensify pastoral care and solidarity for them and their families at home,” ayon sa sirkular ni Bishop Evangelista.

Binigyang-diin ni Bishop Evangelista na ang pinagdaraanan ng mga migranteng Pilipino ay paalala ng mas malalim na sugat ng karahasan sa mundo.

“What they endure reminds us of the effects of violence and our constant need for the Lord’s gift of forgiveness, transformation, and peace,” ayon sa obispo.

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang lahat ng parokya na magkaisa sa panalangin at konkretong suporta sa mga apektadong OFW.

“I encourage all parishes to offer Mass intentions, prayers, and pastoral accompaniment for our migrants and their families, especially those affected by this crisis,” giit ni Bishop Evangelista.

Bilang tanda ng pakikiisa ng buong diyosesis, ipapanalangin sa lahat ng misa ang panalangin para sa mga migranteng nasa krisis.

Sa gitna ng patuloy na kaguluhan, iginiit ng obispo ang paninindigan ng diyosesis na samahan sa panalangin at patuloy na kalingain ang mga migranteng Pilipino at kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,475 total reads

 33,475 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,089 total reads

 70,089 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,300 total reads

 88,300 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,628 total reads

 172,628 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,480 total reads

 208,480 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,476 total reads

 4,476 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top