Bagong pangulo ng CBCP, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,843 total reads

Humiling ng panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera makaraang mahalal bilang susunod na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon sa arsobispo, mahalaga ang mga panalangin upang sa tulong ng Panginoon ay magabayan siya sa mabigat na responsibilidad sa kalipunan at sa kristiyanong pamayanan ng Pilipinas.

“Kung kaya’t ipagdasal po ninyo ako sapagkat napakabigat ng krus na nakapatong sa akin kaya sama-sama po tayo, tulong-tulong, magdarasal tayo upang ang kalooban ng Diyos ay mapasaatin,” pahayag ni Archbishop Garcera sa Radyo Veritas.

Sa katatapos na 130th CBCP Plenary Assembly na ginanap sa Anda Bohol ay napili si Archbishop Garcera na kahalili ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na matatapos ang termino sa November 2025.

Magsisilbing pangalawang pangulo ng kalipunan si Zamboanga Archbishop Julius Tonel na hahalili naman kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na matatapos din ang termino sa Nobyembre.

Hiling ni Archbishop Garcera sa mananampalataya ang pagbubuklod bilang mga kristiyano.

“Ipagpatuloy po ninyo ang sama-samang paglalakbay bilang mga Pilipino na nagkakaisa sa ngalan ni Hesus,” dagdag ng arsobispo.

Bukod kay Archbishop Garcera at Archbishop Tonel naghalal din ang CBCP ng mgq chairpersons sa iba’t ibang commissions, committees, at, offices.

Ginanap ang pagpupulong ng mga obispo mula June 30 hanggang July 7 kung saan sa unang bahagi ang retreat at national synodal consultations sa Tagbilaran City kasama ang mga synodal delegates mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa habang ang plenary proper ay ginanap sa Anda Bohol noong July 5 hanggang 7.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,463 total reads

 11,463 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 11,590 total reads

 11,590 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,159 total reads

 21,159 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 77,565 total reads

 77,565 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,066 total reads

 201,066 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 285,372 total reads

 285,372 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top