Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutulungan, panalangin ng Obispo sa pananalasa ng bagyong Carina

SHARE THE TRUTH

 11,718 total views

Mahalin at tulungang maghilom ang kalikasan mula sa pagkasirang gawa ng tao.

Ito ang panawagan ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mamamayan kasunod ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina.

Ayon sa Obispo, magsilbing aral nawa sa mamamayan ang matinding pinsala ng bagyo upang paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa nararanasan nating pagbaha dala ng malakas na ulan dahil sa bagyong si Carina at ng habagat, muli ay hilingin natin ang tulong ng Poong Maykapal na mailayo tayo sa ilan pang sakuna. Ito din ay pagkakataon na ating pagnilayan ang ilan sa mga gawain natin na nakakapag-contribute sa pagbaha tulad ng irresponsableng pagtatapon natin ng mga basura sa estero na nakakapadulot ng pagbara s pagdaloy ng tubig.Atin ding makikita ang dami ng mga basura sa dalampasigan na mula s iba’t ibang lugar. Sa ibang lugar naman ay ang pagguho ng lupa sa kabundukan na sanhi na din ng pagpuputol ng mga puno. Sikapin nawa nating pangalagaan ang ating kalikasan,” mensaheng ipinadala Bishop Presto sa Radio Veritas.

Umaapela ang Obispo ng pagkakaisa ng mga mamamayan na tulungan ang mga apektado ng bagyong Carina.

Ipinagdarasal ni Bishop Presto na mamamayani ang pagkakawanggawa sa puso ng bawat isa upang sama-samang makabangon mula sa mga pinsalang idinulot ng ng bagyo.

Sa panahong ito ay maipakita din natin ang pagtutulungan lalo’t higit sa mga nasalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha.” panalangin ng Obispo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,500 total views

 72,500 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,275 total views

 80,275 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,455 total views

 88,455 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,053 total views

 104,053 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 107,996 total views

 107,996 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 2,748 total views

 2,748 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 10,878 total views

 10,878 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,368 total views

 12,368 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top