Naval Task Group 84, kasali sa RIMPAC exercise sa Hawaii

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,002 total reads

Binasbasan ni Lt. Colonel Father Elmer Basas ng Philippine Navy Fleet Captain ang mga uniformed personnel ng Naval Task Group 84 na maglalayag lulan ng BRP Miguel Malvar patungong Hawaii upang makiisa sa idadaos na Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise.

Ito ay upang matiyak ang paggabay ng Panginoon, mapanatiling ligtas at maipanalangin ang matagumpay na pakikiisa ng Philippine Navy sa gawain.

Isinagawa ito sa send-off ceremony sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales kung saan pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer In Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta ang pagpapadala sa contingent ng hukbong dagat para sa multinational maritime exercise.

Ayon kay Ezpeleta, mahalaga ang muling paglahok ng Philippine Navy sa RIMPAC matapos ang huling deployment noong 2022 dahil ipinakikita nito ang patuloy na pagtupad ng hukbong dagat sa layunin na maging isang “credible partners” sa ilalim ng SAIL Plan 2040 habang pinapalakas ang ugnayan sa mga kaalyadong bansa upang maisulong ang isang malaya at nagdadayalogong Indo-Pacific region.

Lalahok ang BRP Miguel Malvar at mga uniformed navy personnel nito sa iba’t ibang professional exchanges at operational activities kasama ang 31 na mga hukbong dagat ng magkakaibang bansa.

Binigyang-diin naman ni Ezpeleta ang kahalagahan ng propesyonalismo, disiplina, at kahusayan ng mga tauhan na kakatawanin ang Pillipinas sa pagsasanay dahil bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Navy na mahasa ang interoperability, mapalakas ang maritime partnerships, at higit na mapaunlad ang kakayahan sa ibat-ibang maritime operations ng hukbong dagat sa pamamagitan ng mga makatotohanan at komplikadong pagsasanay.

“I trust that every sailor and marine who will embark on this mission will demonstrate excellence and a forward-looking mindset in everything that you will do – epitomizing a new era of maritime capability for the Philippines,” bahagi pa ng mensahe ni Vice Admiral Ezpeleta na pinadala ng Philippine Navy sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, patuloy ding hinihikayat ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng kapayapaan, kooperasyon, at pagkakaisa ng mga bansa upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa mga karagatan at iba pang bahagi ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,432 total reads

 34,432 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,041 total reads

 85,041 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,912 total reads

 132,912 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,860 total reads

 236,860 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,207 total reads

 321,207 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top