Suporta sa Rights of Nature bill, panawagan ng PMPI sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,644 total views

Nanawagan ang Philippine Miserior Partnership Inc. (PMPI) sa publiko na suportahan ang pagsusulong ng Rights of Nature Bill kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day ngayong June 5, upang higit na mapalakas ang pangangalaga sa kalikasan at mga likas na yaman ng bansa.

Ayon sa PMPI, panahon na upang baguhin ang nakagawiang pagtingin sa kalikasan bilang simpleng pag-aari o pinagkukunan lamang ng likas na yaman at kilalanin ito bilang isang buhay na sistemang may likas na karapatang mabuhay, huminga, at muling umunlad.

“Nature isn’t a commodity; it’s a living system with its own inherent right to thrive, breathe, and regenerate,” ayon sa PMPI.

Ipinaliwanag ng PMPI na layunin ng Rights of Nature na kilalanin ang mga kagubatan, ilog, karagatan, kabundukan, at iba pang ecosystem bilang may sariling karapatan, tulad ng pagkilala sa mga karapatang pantao, upang matiyak ang balanseng ugnayan ng tao at kalikasan.

Binigyang-diin din ng organisasyon na mahalaga ang pagsusulong ng mga batas at lokal na ordinansa na magbibigay ng legal na proteksyon sa mga ecosystem, gayundin ang pagtataguyod ng mga programang nakatuon sa napapanatiling agrikultura, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapatupad ng mga umiiral na batas pangkalikasan.

“By recognizing the Rights of Nature, we shift from being masters of the Earth to being its guardians,” saad ng PMPI.

Kasabay nito, hinimok ng PMPI ang mamamayan na makiisa sa pagsusulong ng mga hakbang para sa pangangalaga ng nag-iisang tahanan at suportahan ang mga inisyatibang nagtataguyod ng katarungang pangkalikasan at napapanatiling kaunlaran para sa kasalukuyan at susunod na mga salinlahi.

Itinuturo ng Simbahan sa ensiklikal na Laudato Si’ na magkakaugnay ang tao at kalikasan, kaya ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi moral na pananagutan ng bawat tao para sa kabutihang panlahat at ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 11,516 total views

 11,516 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,867 total views

 39,867 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 107,597 total views

 107,597 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,748 total views

 130,748 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 200,120 total views

 200,120 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top