Misyon na rebuilding lives, rekindling hope at restoring dignity, paiigtingin ng PJPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,981 total reads

Nagtipon ang komunidad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. noong Hunyo 2, 2026 para sa pagdiriwang ng Mass of the Holy Spirit bilang pagsisimula ng panibagong fiscal year na nakasandig sa pananampalataya, pag-asa, at panibagong pagtatalaga sa misyon ng samahan.

Isinagawa ang banal na misa sa tanggapan ng PJPS kung saan nagsama-sama ang mga kawani, volunteers, at mga opisyal ng organisasyon upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap at pagnilayan ang patuloy na paggabay ng Diyos sa kanilang paglilingkod sa mga persons deprived of liberty at kanilang mga pamilya.

Kasabay ng pagdiriwangang pagsalubong ng komunidad kay bagong PJPS Executive Director Atty. Philip “Ipe” Gan.

Muli ring ipinagkatiwala ng samahan sa patnubay ng Espiritu Santo ang pangangasiwa sa komunidad kasama ang mga kawani, volunteers, katuwang sa misyon, donor, at mga benepisyaryo ng organisasyon.

“The prison ministry is a journey of presence. It is about walking with people through their struggles, celebrating their victories, and believing in the dignity that remains within every person. As we begin this new year together, we are reminded that the Holy Spirit continues to move in places where hope is needed most.” Bahagi ng pahayag ng PJPS.

Ayon sa PJPS, ang pagsisimula ng bagong fiscal year ay hindi lamang pagbabago ng kalendaryo kundi panibagong paanyaya upang ipagpatuloy ang misyong “Rebuilding Lives, Rekindling Hope, and Restoring Dignity” para sa mga nakakulong, kanilang mga pamilya, mga dating bilanggo, at mga komunidad na apektado ng pagkakakulong.

“For PJPS, the beginning of a new fiscal year is more than a change in calendar. It is a renewed invitation to continue our mission of Rebuilding Lives, Rekindling Hope, and Restoring Dignity among persons deprived of liberty, their families, released persons, and communities affected by incarceration.” Dagdag pa ng PJPS.

Binigyang-diin din ng organisasyon na ang ministeryo sa mga bilangguan ay isang paglalakbay ng presensya at pakikiisa sa mga taong dumaraan sa pagsubok, pagdiriwang sa kanilang mga tagumpay, at paniniwala sa likas na dignidad ng bawat tao.

Matapos ang banal na misa ay nagsalo-salo ang mga kalahok bilang pagpapalalim ng pagkakaibigan, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod na nagbubuklod sa komunidad ng PJPS sa kanilang patuloy na paghahatid ng awa at pag-asa sa mga persons deprived of liberty at kanilang mga pamilya.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,473 total reads

 34,473 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,081 total reads

 85,081 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,952 total reads

 132,952 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,900 total reads

 236,900 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,246 total reads

 321,246 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top