Handa na ba tayo sa Super El Niño?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 118,573 total reads

Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon ngayon, mas titindi pa ito ayon sa mga eksperto dahil sa inaasahang Super El Niño sa mga susunod na buwan.

Ang El Niño ay isang natural na climate pattern na nagsisimula sa pag-init ng tubig sa Pacific Ocean. Kapag lumampas sa 2°C ang pagtaas ng sea surface temperature, tinatawag na itong “Super” El Niño. Kapag nangyari ito, maaari itong magdulot ng matinding tagtuyot at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bagamat natural ang El Niño, pinapalalâ ito ng climate change. Habang umiinit ang mundo, mas tumitindi rin ang ilang epekto nito gaya ng mas matitinding heatwaves, mas matagal na tagtuyot, at mas pabagu-bagong panahon.

Karaniwang nangyayari ang Super El Niño kada 10 hanggang 15 taon. Sa bawat pagdating nito, bilyong piso ang halaga ng nawawala sa ekonomiya at agrikultura. Ayon sa mga projections, maaaring umabot sa 286.8 bilyong piso ang halaga ng posibleng pinsala ng Super El Niño sa bansa. Ayon sa Philippine Movement for Climate Justice (o PCMJ), maaaring ito na ang pinakamalakas na El Niño ngayong siglo.

Isa sa pinakamatinding tatamaan ay ang produksyon ng pagkain, lalo na ang bigas. Sa Super El Niño, humihina ang habagat at bumababa ang suplay ng tubig sa mga dam. Ang mga dam na ito ang nagsusuplay ng irigasyon sa maraming probinsya sa Luzon  na bumubuo ng halos kalahati ng rice production sa bansa.

Malaki rin ang epekto nito sa pangingisda. Kapag umiinit ang dagat, bumababa ang oxygen na kailangan ng mga isda at iba pang lamang-dagat para mabuhay. Ang resulta, liliit ang huli at bababa ang produksyon sa aquaculture. Matagal nang nagbababala ang mga climate justice groups na ang ganitong kondisyon ay direktang banta sa seguridad sa pagkain at kabuhayan.

Dahil magdudulot ang Super El Niño ng pabagu-bagong panahon, katulad ng matinding init na sinusundan naman ng malalakas na bagyo at pagbaha, mahihirapan ang mga magsasaka at mangingisda na magplano ng kanilang kabuhayan.

Ano ang tugon ng pamahalaan? Ayon sa Department of Agriculture, isinusulong nito ang paggamit ng drought-resistant crops, pagbabago ng planting calendar, pagtatayo ng solar-powered irrigation, at pakikipag-ugnayan sa National Irrigation Administration. 

Hindi pa sapat ang mga ito para sa ilan. Ang Super El Niño ay paalala na kailangang baguhin ang ating food system. Sa matagal na panahon, masyadong nakaasa ang bansa sa bigas. Kapag bumagsak ang produksyon, buong bansa ang apektado. Dahil dito, importanteng tumuon ang gobyerno sa crop diversification. Dapat din isama sa pagpaplano ang agrikultura at pangingisda, dahil magkaugnay ang mga ito sa seguridad sa pagkain at kabuhayan.

Ayon kay yumaong Pope Francis, ang pinakamahihirap ang pinakamalubhang naaapektuhan ng climate change dahil nakasalalay ang kanilang kabuhayan sa likas na yaman katulad ng pagsasaka at pangingisda. Ang climate crisis ay hindi lamang usapin ng environmental change kundi usapin din ng social inequality. Mas malaki ang epekto nito sa mga komunidad na pinakamaliit ang ambag sa pag-init ng mundo, pero sila naman ang unang tinatamaan at huling nakababangon.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Awit 24:1, “Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.” Bilang mga katiwala ng sangnilikha, may tungkulin tayong pangalagaan hindi lamang ang kalikasan, kundi lalo na ang mga taong pinakaapektado ng pagkasira nito. Ang parating na Super El Niño ay dapat magsilbing wake-up call sa pamahalaan upang tutukan ang pangmatagalang solusyon sa mga problema sa sektor ng agrikultura. At higit sa lahat, isa itong panawagan para sa mas makatarungang pamamahala na hindi iniiwan ang mahihirap sa gitna ng krisis.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 205,411 total reads

 205,411 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,084 total reads

 240,084 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 255,984 total reads

 255,984 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,472 total reads

 292,472 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 298,878 total reads

 298,878 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 205,412 total reads

 205,412 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,085 total reads

 240,085 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 255,985 total reads

 255,985 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,473 total reads

 292,473 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top