Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 96,814 total reads

Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan Cardinal Pablo Virgilio David sa paglaganap ng online gambling. Nagbabala siya sa isang social media post na kung hahayaan nating mamayagpag ang online gambling, isasakripisyo natin ang isang henerasyon sa altar ng madaling kita.

Noong isang linggo, ang buong CBCP na ang naglabas ng pahayag ukol sa tinawag nitong “moral at panlipunang krisis dahil sa online gambling.”

Ayon sa ating mga obispo, “malalim at malawak na suliraning moral na nakakubli sa anyo ng libangan at teknolohiya” ang online na sugal. Ikinababahala nila na “nagiging sanhi [na] ito ng pagkapahamak ng marami sa ating mga kababayan.” Dagdag pa nila, “ang pagkasugapa sa online gambling ay isang malinaw na anyo ng pagkaalipin.” Idinisenyo raw ang online gambling “para mahuli sa lambat ng pagkagumon sa sugal ang mga tao at malulong sa akala nila’y inosenteng laro at panandaliang aliw lamang.” Binigyang-diin nila ang turo ng ating Simbahan na ang pagsusugal ay mali “kung ito ay nagdudulot ng pagkakulong o pagkaubos ng dapat ay para sa mga pangangailangan ng pamilya.”

Sang-ayon ba kayo sa obserbasyon ng mga pastol ng ating Simbahan? May mga kilala ba kayong tila nagiging alipin at bihag na ng online gambling? 

Matagal nang bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang pagsusugal, at tila hindi natin ito kayang iwan. Salamat sa bagong teknolohiya, naging mas madali pa nga ang pagsusugal. At ito ang lubhang nakababahala. Nalalantad sa ganitong gawain ang mas marami sa atin, kabilang ang kabataan. Ang mga kababayan naman nating mahihirap, nahihikayat pang itaya ang natitira nilang pera para sa tsansang lumaki ito sakaling sila ay manalo. 

Kaya umusad sana ang mga panukalang batas na naglalayong i-regulate ang online gambling. Pinakatuon ng mga ito ang pagtitiyak na hindi nakapaglalaro ang mga menor de edad. Hindi na rin daw dapat nakakonekta sa mga online gaming sites ang mga online payment platforms o e-wallet. Sa Kongreso, isa sa mga nagsusulong ng panukalang batas na ito ang Akbayan Party-list. Sa Senado, naghain ng anti-online gambling bill si Senador Juan Miguel Zubiri; tinawag nga niyang “silent epidemic” ang online gambling. 

Banggitin lang natin ulit dito ang ilang panawagan ng CBCP. 

Para sa gobyerno, ang kapakanan ng taumbayan, lalo na ng kabataan, ang dapat na prayoridad sa halip na kita mula sa mga online gambling sites. Ideklarang iligal ng gobyerno ang lahat ng uri ng online gambling. Hindi na uubra ang paalalang “keep it fun, game responsibly.”

Para sa media at advertisers—isama na natin ang mga celebrity endorsers—maging responsable sila sa mensaheng ipinararating nila tungkol sa online gambling. Ipaalám nila ang totoong epekto ng pagsusugal.

Para sa ating lahat, makibahagi tayo sa mga hakbang ng Simbahan na tulungan ang mga nalululong sa online gambling. Tumugon tayo sa panawagan ng ating mga obispo na “palayain ang mga bihag,” katulad ng ipinahihiwatig sa Lucas 4:18. Simulan natin ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanila sa halip na kunsintihin ang kanilang ginagawa o husgahan ang kanilang pagkalulong sa sugal. Gaya ng anumang adiksyon, ang pagkalulong sa sugal ay isang isyung pangkalusugan. 

Sa ating kanya-kanyang pamilya, bantayan natin ang isa’t isa, lalo na ang mga bata. Maging mabuting halimbawa tayo sa kanila. Alalahanin nating sa tuwing may nalululong sa sugal, may pamilyang nawawasak at may kinabukasang nalalagay sa alanganin. 

Mga Kapanalig, gaya ng sinabi ng ating mga obispo, hindi tutol ang Simbahan sa anumang uri ng libangan. Pero hindi mananahimik ang ating Simbahan sa harap ng mga banta sa dignidad ng tao, katulad ng tukso ng pagsusugal.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,867 total reads

 120,867 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,196 total reads

 154,196 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,340 total reads

 186,340 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,403 total reads

 252,403 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,896 total reads

 263,896 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 120,868 total reads

 120,868 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,197 total reads

 154,197 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,341 total reads

 186,341 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,404 total reads

 252,404 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top