Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,865 total reads

Homiliya para sa Ika-15 Linggo ng KP, 13 Hulyo 2025, Lk 10:25-37

Sa mga kalsada natin, dahil napakarami ng motoristang bumibiyahe at mga taong naglalakad sa sidewalk, imposibleng hindi makita o mapansin, kapag may biktimang nakahandusay sa may tabing-daan—naaksidente man o naholdap tulad ng narinig natin sa kuwento ng ebanghelyo.

Pero may mga makabagong kalsada ngayon sa ating panahon na hindi na tulad ng mga pisikal na kalsadang dinadaanan natin. Tinatawag nating mga “digital highways”. Kung tutuusin, malaking blessing para sa atin ang digital technology, malaking pakinabang sa tao ang mga bagong online highways na ito. Pinadali at pinabilis ang komunikasyon. Pero ngayon, nagiging sumpa rin ito. Bakit? Dahil pinadali at pinabilis din ang kakayahan ng mga tulisan na mangulimbat at mambiktima sa mga gumagamit ng digital highways, sa milyon-milyon na bumibiyahe online. Ito ang dahilan kung bakit naglabas kalamakailan ang CBCP ng isang sulat pastoral ukol sa online gambling.

Maiintindihan pa natin kung mga hindi-kilala o mga nakamaskarang mga tulisan ang mangholdap o mambiktima online sa mga digital highways. Marami talagang scammers na mahusay mambudol sa online; gumagamit pa ng AI. Kaya pag may pinindot kang video—maging produkto man ito o porno, o fake news, o political ad, asahan mong sunod-sunod na ang papasok sa newsfeed mo. Automatic, “algorithms” ang tawag dito.

Ang masaklap ay kapag mga ahensya na mismo ng ating gubyerno tulad ng PAGCOR ang nagpapasimuno dito, katulad ng nangyayari ngayon, mula nang gawing legal ang “online gambling”. Ang alam natin online gambling dati ay POGOS—dahil ilegal sa China ang online gambling, dito sila sa Pilipinas nag-operate pero ang pwedeng magsugal ay Chinese lamang. Tulad ng alam natin—naipagbawal na ang mga POGOS dahil naging instrumento ng kriminalidad tulad ng human trafficking, pero ginawa namang legal sa Pilipinas. Dati-rati, ang mga legal na pasugalan dinadayo pa sa mga casino ng mga may-kaya o may perang isusugal. Ngayon, pumasok na ang casino sa bawat cell phone—accessible na sa lahat. Kahit sino—bata, matanda, pwede nang magsugal, 24-oras kada araw, pitong araw kada linggo, kahit saan. Mayaman, o mahirap, may pera o wala, pwedeng magsugal. Pauutangin ka pa ng pansugal sa gcash o e-wallet. Pino-promote pa ng mga bayaran na artista at celebrity, kaya ang daming naaakit.

Hindi tuloy malaman ng mga OFW na kumayod sa abroad at nagremit sa gcash ng mga anak kung bakit hindi nabayaran ang boarding house, o ang matrikula, o ang utang sa sari-sari store. Iyun pala naisugal ng anak o asawa na nalulong sa bisyo ng pagsusugal online. Dati may control sa pasugalan na tulad ng sakla at mahjong, dahil mayroong nanonood, may mangangantiyaw. Ngayon, pwedeng magsugal na walang nanonood, walang nakakaalam, pribado, mabilis, isang pindot sa smart phone, ubos lahat ng kinita. Kaya madaling maadik, at marami sa mga biktima ay mga kabataan, nasisira ang pag-aaral, nawawasak ang kinabukasan, gumuguho ang kabuhayan. Mga misis na dahil kapos sa budget at nakikipagsapalaran. Nagsisimula sa piso-pisong taya patungo sa daan-daan piso at libo-libo. At madalas, imbes na tulungan ang biktima, hinuhusgahan pa, kesyo kasalanan daw nila, mabisyo kasi. Hindi natin makita ang tunay na salarin: ang mismong gubyernong nagbigay pahintulot at nagparami sa mga online gambling platforms sa digital highways, dahil malaki daw ang kinikita para sa gastusing pang-gubyerno para pambigay ayuda. Ang kultura ng ayuda na pinakamabisang paraan ng pagkakamit ng kapangyarihang pampulitika, bumibiktima sa mga kababayan nating dukha at kumakapit sa patalim. Hindi rin natin makita ang mga biktima dahil nakatago sa pribadong pagsusugal sa pamamagitan ng cellphone.

Narinig natin sa unang pagbasa: ang salita ng Diyos ay hindi malayo, hindi mahiwaga. Hindi kailangan ng physical o digital highways para maabot ito. Hindi lumilipad sa alapaap na kailangan pang akyatin; wala sa ibayong dagat na kailangan pang tawirin. Nagpakalapit-lapit na sa atin mula nang magkatawang-tao ang Salita kay Kristo Hesus na tinatanggap natin sa komunyon. Nasa bibig na natin. Ipinagkaloob pa niya sa atin ang Espiritu Santo; nasa puso at diwa na natin, kailangan lang nating panindigan. Gigisingin nito sa loob natin ng Salitang tinatanggap natin, ang pag-ibig sa Diyos na hindi mapaghihiwalay sa malasakit sa kapwa gaya ng sarili.

Kung ang Salita ng Diyos pumapasok sa isip natin, at lumalabas sa bibig natin ay maisagawa din natin, sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: makikita natin ang Diyos na hindi nakikita. Kay Kristo nagaganap ang pag-uugnay ng langit at lupa, Diyos at tao, at gayundin ng tao sa isa’t isa. Bubuksan nito ang ating mga mata para makita ang hindi nakikitang biktima sa digital highways; bubuksan nito ang ating mga puso, aantigin ang ating kalooban at uudyukin tayo upang magmalasakit, kumilos, at gumawa ng karampatang hakbang upang saklolohan ng mga kaawa-awang mga biktima sa ating lipunan.

READ: https://cbcpnews.net/cbcpnews/cbcp-statement-on-the-moral-and-social-crisis-caused-by-online-gambling/

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 35,375 total reads

 35,375 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 71,184 total reads

 71,184 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 125,018 total reads

 125,018 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 186,830 total reads

 186,830 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 254,570 total reads

 254,570 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 11,758 total reads

 11,758 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 11,392 total reads

 11,392 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 36,591 total reads

 36,591 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 100,612 total reads

 100,612 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top