Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total reads

Homiliya para sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal (Todos los Santos)

Nobyembre 1, 2026

Pahayag 7:2–4, 9–14; 1 Juan 3:1–3; Mateo 5:1–12a

Alam naman siguro ninyo ang kasabihan sa Ingles, “To err is human; to forgive is divine.” Ang magkamali daw ay likas sa tao; pero ang magpatawad ay maka-Diyos.

Aaminin ko sa inyo, hindi ako kontento sa kasabihang iyan. Bakit ba ang hilig nating iugnay ang ating pagkatao sa pagkakamali, sa pagiging palpak, sa pagiging makasalanan? Hindi ba puwedeng sabihin nating, “To err is human; and to forgive is also human”?

Dahil kapag natututo tayong magpatawad, hindi ba lalo nating natutuklasan ang kadakilaan ng ating pagkatao? Na sa kabila ng ating mga kahinaan, may kakayahan tayong magmahal, umunawa, magpatawad, at magpakatao. At sa paggawa natin nito, unti-unting lumilitaw ang tunay nating dangal bilang mga taong nilikhang kalarawan ng Diyos.

Sa palagay ko, ito ang isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos. Ibinaba ng Diyos ang sarili niya at niyakap ang ating pagkatao, upang hindi tayo manatili sa ating kababaan, kundi upang maiangat niya ang dangal ng ating pagkatao. Hindi ba kapag may mga kababayan tayo na napaparangalan,nasasabi natin: Itinaas niya ang bandera natin! Para bang kasama tayong umaangat din ang dangal!

Napakaganda ng pagkakasabi ni Pope Leo XIV sa kanyang dokumentong Magnifica Humanitas. Sinimulan niya ito sa mga salitang: “Humanity, created by God in all its grandeur.” Ang sangkatauhan, nilikha ng Diyos sa buong kadakilaan nito.

At ipinaalala niya ang isang mahalagang aral ng Vatican II: “Only in the mystery of the Word made flesh does the mystery of humanity truly become clear.”

Ibig sabihin, kay Kristong nagkatawang-tao, mas lubos nating nauunawaan kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging tao. Ito ang ipinagdiriwang natin ngayon sa Todos los Santos.

Sana huwag naman nating ipakalayo-layo sa atin ang mga santo at martir, o ipakataas-taas ang pedestal para sa mga imahen nila na para bang mga Superheroes sila. Oo, naniniwala tayong nasa langit na sila. Pero bago sila nakarating sa langit, tumapak din sila sa lupa. Nabuhay din sila sa mundong ito, katulad din natin sila.

Dumaan din sila sa mga pagsubok. May mga kahinaan din sila. Marami sa kanila ang nagkamali, nagkasala, nadapa, at muling bumangon. May magandang kasabihan ang manunulat na si Oscar Wilde: “Every saint has a past, and every sinner has a future.”

Napakaganda, hindi ba? Bawat santo ay may nakaraan, at bawat makasalanan ay mayroon pang hinaharap. Ibig sabihin, hindi tayo dapat ikulong sa ating nakaraan. Ang isang taong nagkasala ay hindi habambuhay na kailangang manatiling makasalanan. Hangga’t may buhay, may pagkakataong magbago, magbalik-loob, at maging banal.

Napakaganda ng paglalarawan sa mga banal sa ating unang pagbasa mula sa Aklat ng Pahayag. Sinasabi roon na sila ang mga taong nagdaan sa great tribulation—sa matinding kapighatian at pagsubok. At ang kanilang mga damit ay hinugasan at pinaputi sa dugo ng Kordero.

Hindi ba parang kabaligtaran iyon? Ang dugo ay pula. Sino ba ang gustong mamantsahan ng dugo ang kanyang puting damit? Pero sa pangitain, kung kailan hinugasan sa dugo ng Kordero, saka nga naging puti ang kanilang mga damit! Siyempre, matalinghaga ito. Larawan ito ng pagdadalisay, ng pagbabago ng ating pagkatao sa pamamagitan ng pag-ibig at sakripisyo ni Kristo.

Ito rin ang diwa ng tinatawag nating purgatoryo. Sayang nga lang at kung minsan, iniisip natin ang purgatoryo na parang isang lugar lang sa pagitan ng langit at impiyerno. Pero ang pagdadalisay ay nagsisimula na sa buhay natin dito sa lupa, at ang purgatoryo ay ang ganap na pagdadalisay ng mga namamatay sa biyaya ng Diyos. Para tayong ginto na dumaraan sa apoy. Tinutunaw upang maalis ang mga dumi, upang lalong tumingkad ang kinang at tumaas ang kilatis.

Ganyan din ang ating pagkatao. Sa bawat pagsubok, sa bawat pagkakataong pinipili nating magmahal sa halip na maghiganti, magpatawad sa halip na magkimkim ng galit, unti-unting lumilitaw ang tunay na ganda ng ating pagkatao.

Kaya nga napakaganda rin ng sinasabi ni San Juan sa ating ikalawang pagbasa: “Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon. Ngunit hindi pa nahahayag kung ano tayo sa hinaharap.” Ibig sabihin, may higit pang magandang maaaring mangyari sa ating pagkatao!

Ang ating tunay na bokasyon ay hindi lamang ang maging mga anak nina Adan at Eba. Madalas kasi, kapag binabanggit natin sina Adan at Eba, ang naaalala natin ay ang pagkakasala, ang pagkahulog, ang kahinaan ng tao.

Pero bago pa ang kasalanan, mayroon nang isang mas dakilang layunin ang Diyos: nilikha niya tayo ayon sa kanyang larawan at wangis. Kaya sa kaibuturan ng ating pagkatao, may likas tayong pagkilala sa katotohanan, kabutihan at kagandahan. Alam natin kung ano ang tama at mali, kung ano ang marangal at kahiya-hiya, kung ano ang dapat at hindi dapat.

At kapag nagkakasala tayo, para bang may tinig sa ating kalooban na nagsasabing: Hindi iyan ang tunay mong pagkatao. May higit kang kakayahang magpakabuti.

Kaya para sa ating mga Kristiyano, ang ganap na huwaran ng ating pagkatao ay si Hesukristo—ang bagong Adan. Siya ang nagbigay ng mukha sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Siya ang nagturo sa atin kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging tao.

At ito rin ang ipinapakita ng mga Beatitudes sa ating Ebanghelyo. Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, ang mga mahabagin, ang mga may malinis na puso, ang mga gumagawa ng kapayapaan, ang mga inuusig dahil sa katarungan. Hindi ba napakagandang larawan ng pagkatao ang mga ito?

Ang kabanalan ay hindi pagiging superhuman. Ang kabanalan ay ang pagiging ganap na makatao, ayon sa larawan ni Kristo. Kaya ngayong Todos los Santos, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang mga santong opisyal na kinilala ng Simbahan. Inaalaala rin natin ang napakaraming ordinaryong tao na naging pambihirang huwaran ng pagkatao, pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao.

Mga magulang na nagsakripisyo para sa kanilang mga anak. Mga taong nanindigan para sa katotohanan at katarungan. Mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kapwa. Mga taong marunong magpatawad kahit sila ay nasaktan. Mga taong patuloy na nagmamahal kahit sila mismo ay nagdurusa.

Sa kanilang buhay, nasisilayan natin ang langit dito pa lamang sa lupa. Ito ang ibig kong sabihin sa pamagat ng ating pagninilay: MAGNIFICA HUMANITAS—ang dakilang kagandahan at dangal ng ating pagkatao. Ang kabanalan ay hindi pagtakas sa ating pagkatao. Ito ang ganap na katuparan ng ating pagkatao sa Diyos.

Kaya sana, sa pagdiriwang natin ng Todos los Santos, huwag lamang tayong tumingala sa mga banal na nasa langit. Matuto rin tayong tumingin sa ating kapwa, at sa ating sarili, at kilalanin ang larawan ng Diyos na naghihintay na lubusang mahayag.

Dahil ang tunay na layunin ng ating buhay ay hindi lamang ang makarating sa langit balang araw, kundi ang matutong mamuhay dito sa lupa na para nang sa langit. Iyan ang kabanalan. Iyan ang tunay na pagpapakatao. Iyan ang kadakilaan ng ating pagkatao bilang mga anak ng Diyos.

UNDAS 2026, generally peaceful

 3,758 total reads

 3,758 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 9,239 total reads

 9,239 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 58,992 total reads

 58,992 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 218,186 total reads

 218,186 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 245,346 total reads

 245,346 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 279,200 total reads

 279,200 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

REMEMBER ME

 452 total reads

 452 total reads Homily for All Souls’ Day — November 2, 2026, Wisdom 3:1–9; Psalm 23; Romans 6:3–9; John 6:37–40 In 1987, when I was still

Read More »

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 21,730 total reads

 21,730 total reads Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko

Read More »

UNLEARNING OLD HABITS

 21,742 total reads

 21,742 total reads Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues

Read More »

SINO ANG KALABAN?

 6,673 total reads

 6,673 total reads Homiliya para sa Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon Oktubre 29, 2026 Efeso 6:10–20; Lucas 13:31–35 Ang eksenang parang bumalik sa alaala

Read More »
Scroll to Top