Dagdag nga ba o bitin pa rin?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 139,304 total reads

Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro Manila. Ayon sa National Wages and Productivity Commission, ang halagang ito ay napagkasunduan upang balansehin ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino at ang kakayahan ng mga employers na magpasahod.

Epektibo ang bagong dagdag sa sahod simula Hulyo 18. Tinatayang 1.2 milyong minimum wage workers sa Metro Manila ang makikinabang dito. Para sa mga non-agricultural na manggagawa sa NCR, tataas mula ₱645 hanggang ₱695 ang kanilang arawang sahod. Para naman sa mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura dito sa Metro Manila, sa maliliit na retail establishments na may 15 o mas kaunting empleyado, at sa mga manufacturing establishments na may regular na 10 o mas kaunting manggagawa, tataas mula ₱608 hanggang ₱658 ang kanilang arawang sahod.

Mas mataas ito kaysa sa dagdag na ₱35 na ibinigay noong Hulyo 2024. Tanggap ng ilang labor groups ang dagdag na ito, pero kulang pa rin daw. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa NCR, ang ₱50 ay “drop in the bucket”, gapatak lang kung tutuusin. Paulit-ulit nilang ipinananawagan: ang kailangan ay living wage, isang sahod na sapat para sa mga pangangailangan ng mga manggagawa at ng kanilang pamilya. Hindi raw uubra ang paunti-unting dagdag. Ang kailangan ay malawakan at makabuluhang pagbabago, at hindi lang para sa mga mga manggagawa sa Metro Manila kundi para sa lahat ng manggagawa sa bansa.

Ayon sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, “a just wage must not be below the level of subsistence of the worker.” Kung gusto nating malaman kung makatarungan ang sahod, itanong natin: may masustansya at sapat bang pagkain sa mesa ng mga pamilya? May pambayad ba sila ng upa? May pambaon at pamasahe ba para sa kanilang mga nag-aaral na anak? Kung ang sagot ay hindi, o kung ang mga ito ay napakahirap makamit, malinaw na hindi living wage ang natatanggap nila. 

Kailangan nating seryosohin ang pagsusuri sa kasalukuyang sistema ng pasahod. Paano ba natin tunay na pinahahalagahan ang manggagawang Pilipino? Kukmbaga sa katawan ng tao, gulugod ng ating ekonomiya ang mga manggagawa. Pero kadalasan, sila rin ay pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sana naman, ang ₱50 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi maging bitin o panandaliang ginhawa, kundi magsilbing senyales na unti-unti nang pinakikinggan ng gobyerno ang kanilang boses. Sana, hudyat ito na kinikilala talaga na ang makatarungang sahod ay mahalaga para sa isang buhay na may dignidad.

Paalala sa atin ng Mga Kawikaan 3:27, “Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika’y may kakayahan na ito ay magawâ.” Malaki ang papel ng ating mga mambabatas sa pagkamit ng makatarungang sahod. Noong 19th Congress, nakita man nila ang pangangailangan para sa wage hike, hindi pa rin naipasá bilang batas ang panukalang dagdag na ₱100 hanggang ₱200 sa sahod.

Ngayon, sa pagbubukas ng 20th Congress, muling inihain ng ilang mambabatas ang iba’t ibang bersyon ng wage hike bill. Sa pagkakataong ito, sana hindi malimutan ng ating mga kinatawan at ng ehekutibo—sa pangunguna ng pangulo—ang mga manggagawang Pilipino. Matagal nang hinihingi ng mga manggagawa ang umento sa sahod para sa lahat, at panahon na para ito ay pakinggan at tugunan. 

Mga Kapanalig, ang ₱50 na dagdag ay magandang hakbang, pero hindi ito dapat maging huli. Dapat tayong magpatuloy sa panawagan para sa sahod na sapat, makatao, at marangal. Bawat manggagawa ay karapat-dapat sa sahod na hindi lang pantustos sa araw-araw na gastusin, kundi nakatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 32,351 total reads

 32,351 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 65,895 total reads

 65,895 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 102,378 total reads

 102,378 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 120,590 total reads

 120,590 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 203,174 total reads

 203,174 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 32,352 total reads

 32,352 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 65,896 total reads

 65,896 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 102,379 total reads

 102,379 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 120,591 total reads

 120,591 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top