Laudato Si Movement, nagpaabot ng pagbati sa bagong liderato ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,440 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Laudato Si’ Movement – Asia Pacific kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pagkakahalal bilang bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP) at pangulo ng Caritas Philippines.

Ayon sa Laudato Si’ Movement, matagal nang katuwang ng grupo si Bishop Alminaza, na kinikilala bilang matapang na tinig ng Simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng karapatan ng mga mahihirap.

Hinirang ang obispo kasabay ng 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol noong July 5, 2025.

“His election is a strong sign of the Church’s commitment to integral ecology and social justice,” pagbati ng Laudato Si’ Movement.

Hiniling naman ng grupo ang pananalangin para kay Bishop Alminaza upang patuloy na patnubayan ng Panginoon sa bagong yugto ng paglilingkod para sa nag-iisang tahanan at sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Let us offer our prayers as he begins this new journey with compassion, courage, and a deep love for God’s Creation,” dagdag ng grupo.

Si Bishop Alminaza ay kasalukuyang vice chairman ng CBCP-ECSA-JP at vice president ng Caritas Philippines simula pa noong 2019.

Hahalili ang obispo kay Kidapwan Bishop Jose Colin Bagaforo, na magtatapos ang termino sa November 30, 2025, at nahalal naman bilang bagong chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue.

Magsisimula ang opisyal na termino ng dalawang obispo sa December 1, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 4,818 total reads

 4,818 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 55,238 total reads

 55,238 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 77,328 total reads

 77,328 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 177,148 total reads

 177,148 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 210,234 total reads

 210,234 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 125,191 total reads

 125,191 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top