Hanggang makamit ang katarungan para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 139,099 total views

Mga Kapanalig, tag-ulan na nga! Marahil binaha, nasuspinde ang mga klase ng inyong mga anak, o umuwi kayong basang-basa nitong nakaraang linggo. Maging handa tayo dahil inaasahang lalakas pa ang mga ulan. Ganito na po talaga ngayon—kung hindi extreme heat, extreme rainfall! Pinalalalâ ang mga ito ng climate change.

Noong isang linggo rin, naglabas ng pahayag ang mga lider ng Simbahang Katolika sa Africa, Asya, at Latin America tungkol sa tila papetiks-petiks nating pagtugon sa climate change. Anila, isang dekada na ang lumipas mula nang lagdaan ang Paris Agreement at ilabas ng yumaong Pope Francis ang Laudato Si’, pero wala pa ring sense of urgency ang mga bansa. 

Ang Paris Agreement ay isang kasunduang nilagdaan ng 195 na bansa sa 21st Conference of Parties (o COP) ng United Nations Framework Convention on Climate Change. Layunin ng kasunduang ito na bawasan ang greenhouse gas emissions na nagdudulot na pag-init ng mundo. Ilan sa mga bunga ng pag-init ng mundo ay malalakas na bagyo, matitinding tagtuyot, at pagtaas ng sea level. Ang kasunduan ay naglalaman ng mga pangakong hakbang ng mga bansa, lalo na ng mga major polluters o mga bansang may pinakamatataas na greenhouse gas emissions. Hindi dapat lumampas sa 1.5°C ang average na pagtaas ng temperatura ng mundo. 

Nabigo tayo, mga Kapanalig. 

Patuloy nating nadarama o tumitindi pa nga ang mga bagyo, pagtaas ng tubig-dagat, at tagtuyot. Bilang isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakalantad sa mga epekto ng climate change, ramdam na ramdam natin ito. Ayon sa 2025 Climate Risk Index Report, halos 400 extreme weather events ang tumama sa Pilipinas sa huling tatlong dekada. Nagdulot ang mga ito ng pinasalang nagkakahalaga ng 34 bilyong dolyar o mahigit isang trilyong piso. Hindi pa kasama rito ang mga buhay na nawala; walang katumbas na halaga ang buhay ng tao. 

Kasabay ng paggunita sa isang dekada ng Paris Agreement, inaalala din natin ang isang dekada ng pagkakalathala ng Laudato Si’. Nilalaman nito ang panawagan ni Pope Francis para sa ating sama-samang pagkilos para sa ating kalikasan. Paalala ng yumaong Santo Papa, karugtong ng ating dignidad ang kalagayan ng ating kalikasan. Sa pagkasira at pagkakaabuso sa kalikasan, tumatangis ito.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, tinatawag na collective good ang kalikasan. Ibig sabihin, biyaya ito para sa lahat. Ang pangangalaga sa kalikasan ay tungkulin nating lahat at malaking hamon din. Sinasabi sa Genesis 2:15 na tayo ay “iniligay sa halamanan ng Eden upang alagaan at ingatan” ito. Sa pag-iingat ng biyayang ito, kailangan nating siguruhing bawat gawain nating mga tao ay hindi nauuwi sa pang-aabuso sa kalikasan. Dapat naisasaalang-alang ang kabutihang panlahat o common good, kasama rito ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon. 

Balikan natin ang panawagan ng mga obispo mula sa iba’t ibang kontinente. Mayroon silang tatlong pangunahing panawagan sa kanilang pahayag.

Una, equity! Nanawagan silang magbayad ng ecological debt ang mga major polluters sa mga bansang labis na agrabyado sa harap ng climate change, lalo na sa Africa, Asya, Latin America, Carribean, at Oceania. 

Pangalawa, justice! Tama na ang pang-aabuso sa kalikasan. I-phase out na ang fossil fuels! Patawan ng tamang buwis ang mga nakikinabang sa mga ito. Oras na para unahin ang kabutihan ng mga komunidad na pinakaapektado ng climate change at mga sakuna. 

Panghuli, protect! Ipagtanggol natin ang kalikasan, ang mga katutubong tagapangalaga nito, at ang mahihirap na komunidad.

Hindi mananahimik ang Simbahan. Patuloy tayong magsasalita kasama ng mga siyentipiko at mga apektadong komunidad. Mananawagan tayo gamit ang katotohanan. Mananawagan tayo nang walang pasubali hanggang makamit natin ang katarungan para sa kalikasan!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 18,811 total views

 18,811 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 39,792 total views

 39,792 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 62,220 total views

 62,220 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 235,759 total views

 235,759 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 212,096 total views

 212,096 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Konkretong paraiso?

 18,812 total views

 18,812 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 39,793 total views

 39,793 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 62,221 total views

 62,221 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 235,760 total views

 235,760 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »
Scroll to Top