CBCP, nababahala sa pagkakaantala ng proseso ng impeachment laban sa Bise-Presidente

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,363 total reads

Mariing ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang pagkabahala sa pagkaantala ng proseso ng impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, na nagpapakita ng kakulangan sa transparency at accountability sa pamahalaan.

“We are disturbed by the delay in the Senate in executing the constitutional demand for the impeachment process of the Vice President,” bahagi ng pastoral letter na inilabas matapos ang 130th Plenary Assembly na nilagdaan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Binanggit ng CBCP na ang impeachment, kung ito ay isasagawa batay sa katotohanan at katarungan, ay isang lehitimong demokratikong mekanismo upang tiyakin ang pananagutan sa pamahalaan.

“We affirm that impeachment, when pursued with truth and justice, is a legitimate democratic mechanism for transparency and accountability in governance.” bahagi ng pastoral statement ng CBCP

Hinimok ng mga obispo ang mga mananampalataya na huwag maging manhid sa mga isyung moral at panatilihing bukas ang isipan sa pakikinig sa lahat ng panig.

“We call our faithful to combat moral indifference, listen to all sides with openness, and foster a culture of engaged citizenship rooted in our Christian faith.”

Bukod sa usapin ng impeachment, tinutukan din sa pastoral letter ng CBCP ang mga isyu ng karahasan sa Gaza, makatarungang sahod, at dignidad sa paggawa.

Sa usapin ng Gaza, nanawagan ang CBCP ng panalangin, pag-aayuno, at pag-aalay ng sakripisyo para sa kapayapaan. Mariin nilang kinondena ang paggamit ng kagutuman bilang sandata ng digmaan.

“We condemn the weaponization of starvation. Let food and badly needed humanitarian aid benefit all.”

Kinilala rin ng mga obispo ang krisis sa sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas. Binanggit ng kalipunan ng mga obispo na ang kasalukuyang sahod ng karamihan ay hindi sapat upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilya.

“We are aware of the plight of workers in our country that the salaries they receive are much below the living wages that enable workers to meet their needs and support their families.”

Hinimok ng simbahan ang pakikipagdayalogo ng mga manggagawa, employer, at pamahalaan upang makamit ang makatarungang sahod at seguridad sa trabaho, ayon sa panuntunan ng Simbahan hinggil sa social justice.

Inanyayahan naman ng CBCP ang mga pari, layko, manggagawa, at mga lider sa pulitika na magkaisa sa pagtataguyod ng makatarungan at mapayapang lipunan.

“Let us rekindle our hope, strengthen our solidarity and remain vigilant in our stewardship of truth, justice, and the dignity of every human person.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 105,372 total reads

 105,372 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 181,967 total reads

 181,967 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 215,415 total reads

 215,415 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 250,715 total reads

 250,715 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 473,151 total reads

 473,151 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top