Si Hesus ang pag-asa at bagong buhay, paalala ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,410 total views

Pinaalalahanan ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya na hatid ni Hesus ang bagong buhay at pag-asa para sa bawat isa.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa misang ginanap sa Saint Michael the Archangel Parish sa Jagna Bohol sa unang araw ng 130th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sinabi ni Archbishop Brown na si Hesus ang tumatanglaw upang kamtin ng sangkatauhan ang pag-asang dulot ng kanyang mga sakripisyo.

“Hope is always pointed to the future. Hope is always about something new. We hope about the future—what is new. Hope is confidence in newness. Hope is confidence in what is coming, what is new,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Binigyang diin ng nuncio na ang mga kristiyano ay kawang puspos ng kagalagakan at pag-asa sa kinabukasan.

Inalala ni Archbishop Brown ang namayapang Pope Francis na nag-iwan ng mensahe ng pag-asa sa kanyang paglisan noong April 21 o Easter Monday lalo’t pinasimulan nito ang pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year of Hope.

Tinuran ng arsobispo na ang pagkahalal kay Pope Leo XIV ay patunay ng pagpapatuloy ng simbahan sa paghahatid ng pag-asa sa kristiyanong pamayanana.

“We mourn the loss of our beloved Holy Father, Pope Francis. His pontificate comes to an end in that beautiful moment of Easter Monday, that moment of new life, then a new pope for a new era, the youngest pope we’ve had in the last 35 years, Pope Leo XIV. So, we have this continuous newness of the Church. She is always renewing herself,” giit ni Archbishop Brown.

Paalala ng arsobispo sa mananampalataya na ipagdiwang nang buong kagalakan ang diwa ng pag-asa batay sa Bull of Indiction ni Pope Francis na nagdeklarang Holy Year of Jubilee ang 2025 sa temang ‘Spes non Confundit’ o ‘hope does not disaappoint’.

Katuwang ni Archbishop Brown sa pagdiriwang ng banal na misa sa unang araw ng plenary assembly sina Military Bishop Oscar Jaime Florencion at Alaminos Bishop Napoleon Sipalay, Jr.
Kasalukuyang isinasagawa ang CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol na bahagi ng Diocese of Talibon mula JUly 5 hanggang 7.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 9,871 total views

 9,871 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 9,871 total views

 9,871 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 123,692 total views

 123,692 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 146,504 total views

 146,504 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 166,935 total views

 166,935 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top