Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Alminaza,bagong chairman ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 24,016 total views

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang bagong chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.
Ang Obispo ang hahalili kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na matatapos ang termino sa November 30, 2025.

Kaakibat ng pagiging bagong chairman ng kumisyon ay magsisilbi rin si Bishop Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP.
Kilala si Bishop Alminaza sa kanyang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao, katarungang panlipunan at pangangalaga ng kalikasan sa bansa.

“The announcement was made during the 130th CBCP Plenary Assembly held in Anda, Bohol. He will succeed Bishop Colin Bagaforo of Kidapawan, who served in the role since 2019. Known for his strong advocacy on environmental protection, human rights, and social justice, Bishop Alminaza will now lead the Church’s efforts in promoting justice, peace, and integral human development through Caritas Philippines.” Bahagi ng anunsyo ng Caritas Philippines.

Si Bishop Alminaza ang kasalukuyang vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at vice president ng Caritas Philippines magmula noong taong 2019.
Bahagi ng 130th Plenary Assembly ng CBCP na pagtitipon ng kalipunan ng mga Obispo na nagaganap sa Anda, Bohol ang paghalal ng mga bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.
Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 6,196 total views

 6,196 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 24,530 total views

 24,530 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 42,305 total views

 42,305 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 118,252 total views

 118,252 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 142,001 total views

 142,001 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top