Digmaan, tinawag ng Obispo na ‘Fratricide’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,000 total views

Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mamamayan na magbuklod tungo sa pagkakamit ng kapayapaan. Ayon sa obispo matatamo ang kapayapaan ng mundo sa pamamagitan ng pakikiisa, pakikipagdiyalogo, pakikinig, at pakikilahok tulad ng layunin ng isinasagawa ngayon ng simbahan na synodal process.

“Today, more than ever, peace requires our vigilant and creative presence. Peace, world peace starts with each of us. Let there be peace on earth and let it begin with me. Before having even the ambition of building world peace, let us start with building peace in our little world. First, within ourselves, in our families, in our communities,” ayon kay Bishop Buzon.

Binigyang diin ni Bishop Buzon na ang kasalukuyang digmaan ng mundo tulad ng mga nangyayari sa Israel at Gaza ay bunga ng ilang siglong sigalot tulad ng inilathala sa aklat ng Genesis na hindi pag-uunawaan ng magkapatid na Ismael at Jacob kaya’t ang mga digmaan ay maituturing na ‘fratricide’.

Ikinalunglot ng obispo ang lumalalang sigalot sa iba’t ibang bahagi ng daigdig kung saan pawang mga inosenteng mamamayan ang biktima at nagdurusa sa epekto ng digmaan.

“War is the greatest tragedy of our time. The world suffers from the plague of wars, which escalates and multiplies day by day. War is today’s greatest scourge that leaving the world broken and divided,” giit ni Bishop Buzon.

Iginiit ng pastol na ang digmaan at karahasan ay hindi tugon sa mga hindi pagkakaunawaan subalit nagpapalalim ito sa mga sugat na aabutin ng henerasyon ang paghihilom.

Dismayado rin si Bishop Buzon sa mga makapangyarihang bansa na nakikinabang sa mga digmaan dahil lalong umuusbong ang negosyo sa armas.

Pinangunahan ni Bishop Buzon ang pagdiriwang ng banal na misa sa ikatlong araw ng retreat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Synodal Consultations sa Immaculate Conception Parish o Baclayon Church sa Baclayon Bohol.

Katuwang ng obispo sa pagdiriwang sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda at Prosperidad Bishop Ruben Labajo kasama ang iba pang mga obispo kabilang sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 47,921 total views

 47,921 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 81,003 total views

 81,003 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 109,354 total views

 109,354 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 177,086 total views

 177,086 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 196,892 total views

 196,892 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top