Pagtugon sa katarungang pangkalikasan at panlipunan, panawagan ni Pope Leo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,279 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa lahat ng mga Kristiyano at may mabuting kalooban na tugunan ang agarang pangangailangan para sa katarungang pangkalikasan at panlipunan.

Ang panawagan ng santo papa ay bilang mensahe para sa Ika-10 World Day of Prayer for the Care of Creation na gaganapin sa Setyembre 1, 2025.

Ang mensahe, na may titulong “Seeds of Peace and Hope”, ay inilabas noong Hulyo 2, kaugnayan na rin sa Jubilee Year, kung saan hinihikayat ang mga mananampalataya na maging pilgrims of hope at tapat na tagapangalaga ng kalikasan.

“May [Laudato si’] continue to inspire us, and may integral ecology be increasingly accepted as the right path to follow,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Ginamit ng Santo Papa ng sipi mula sa propetang si Isaias upang ipakita na ang tuyot na mundo ay maaari pang gawing masagana, basta’t magkaroon ng tunay na pagbabago sa pananaw at gawa.

Ayon kay Pope Leo, ang pagtingin sa kalikasan bilang pag-aari ay nagdudulot ng pagkasira, kawalang-katarungan, at mas matinding pagdurusa sa mga mahihirap at katutubo.

Sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Laudato si’—ang ensiklikal ni Pope Francis ukol sa pangangalaga sa kalikasan—binalikan ni Pope Leo XIV ang mga epekto ng kasakiman, paglabag sa karapatan, at hindi pagkakapantay-pantay.

Binanggit niya na ang mga ito ay sanhi ng pagkaubos ng kagubatan, polusyon, at pagkawala ng likas na yaman. Tinawag niya itong mga bunga ng kasalanan at ng kapabayaan ng tao sa kanyang tungkulin na pangalagaan ang daigdig.

Mariin ding kinondena ng Pope Leo ang pagtingin sa kalikasan bilang isang dahilan ng alitan, kung saan ang likas na yaman tulad ng tubig at lupa ay pinag-aagawan. Ayon sa pinunong pastol, ito ay dahil hindi nasunod ang utos ng Diyos na “till and keep”—na alagaan at ingatan ang sangnilikha.

Isinusulong din ng Santo Papa ang integral ecology—isang pananaw na pinagsasama ang pananampalataya, katarungan, at pangangalaga sa kalikasan. Giit ng Santo Papa, ang pag-aalaga sa kalikasan ay tungkuling moral at bahagi ng pananampalataya, dahil ang buong sangnilikha ay larawan ng mukha ni Kristo.

“For believers, the universe reflects the face of Jesus Christ, in whom all things were created and redeemed,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinalangin din ng Santo Papa para sa paggabay ng Espiritu Santo at umaasang patuloy na maging inspirasyon ang Laudato si’. Hinikayat din niya ang lahat na yakapin ang integral ecology bilang tamang landas para sa paggaling at pagkakaisa ng sangkatauhan at ng kalikasan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,575 total reads

 14,575 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,702 total reads

 14,702 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,441 total reads

 26,441 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 82,847 total reads

 82,847 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,348 total reads

 206,348 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,411 total reads

 290,411 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,576 total reads

 14,576 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,703 total reads

 14,703 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top