18,160 total views
Inihayag ng Caritas Philippines na muli na nitong nabawi ang pangangasiwa at kontrol sa Alay Kapwa Facebook Page na una ng na-hacked noong unang araw ng Hulyo, 2025.
Pinasalamatan naman ng Caritas Philippines ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ScamWatch Pilipinas na agad na tumugon upang mabawi ang Facebook page ng Alay Kapwa na nagsisilbing flagship program ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
“We’re happy to share that we’ve successfully regained full control of our Alay Kapwa Facebook Page. Our deepest thanks to the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) and ScamWatch Pilipinas for their swift and effective support — our page was recovered in less than 24 hours! Thank you to our community for your patience and understanding. With your continued support, our mission of sharing hope lives on.” Bahagi ng mensahe ng Caritas Philippines.
Unang inilunsad ang Alay Kapwa noong 1975 bilang Lenten solidarity program ng CBCP para sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Pinalawak ito ng Caritas Philippines noong 2021 bilang year-round campaign na tumutugon sa 7 Alay Kapwa Legacy Programs na binubuo ng Alay Kapwa para sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kalikasan, pagtugon sa kalamidad, katarungan at kapayapaan, mabuting pamamahala, at kasanayan.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng Caritas Philippines ang publiko na suportahan ang isasagawang “Pagdiriwang ng Pag-asa: The Alay Kapwa 50th Anniversary Benefit Concert” na nakatakda sa ika-8 ng Hulyo, 2025, Martes, ganap na alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa.