DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 260,264 total reads

Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival!

Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa kanila., iyan ang ating mga lider sa Pilipinas? Paano naman ako, paano naman tayong mahihirap na Pilipino?

Pero ang katotohanan, walang pakialam ang ating mga lider ng bansa sa totoong nangyayari sa Pilipinas. Kapanalig, 23.2-percent ng pamilyang Pilipino ang dumaranas ng “involuntary hunger”, mga pamilyang halos walang makain ng isang beses sa loob ng tatlong buwan. Sa nasabing porsiyento, 5.5-percent dito ay halos wala nang makain araw-araw.

Ang tumataas na bilang ng pamilyang Pilipino na nagugutom ay base sa Social Weather Survey sa unang quarter ng taong 2026.

14.5-milyong Pilipino ang nagugutom sa unang quarter ng taong kasalukuyan, ano ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon? nang mga mambabatas? Mamulitika lang?

Mula sa dating 20.1-percent noong nakaraang taon, tumaas ito sa 23.2-percent ngayong taon. Ibig sabihin Kapanalig, walang ginawa, walang programa ang pamahalaan para tugunan at itaas ang antas ng mga mahihirap.

Magaling ang ating mga opisyal ng pamahalaan, ang ating mga mambabatas sa pagbibigay ng ayuda (doleout), panandaliang tugon sa kahirapan. Sa pagbibigay ng ayuda, wala ka nang iisipin pa na programa, madali na… malaki pa ang kita.

Kapanalig, ang Visayas ang nakapagtala ng 28-percent na hunger incidence, 22.4-percent naman sa Luzon, Metro Manila-22 porsiyento habang 21.7-percent sa Mindanao. Lumabas sa survey na ang dating itinuturing na non-poor ay kabilang na sa mga nagugutom. Ano ang dahilan Kapanalig?

Ang simbahang katolika ay aktibo sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya sa alinmang panig ng bansa. Hindi matutumbasan ang mga pro-poor programs ng simbahang katolika, katulad ng Caritas Manila at iba’t-ibang social action center ng 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Kapanalig, sinasabi ng Compendium of the Social Doctrine of the Catholic Church 184 “ The church’s love for the poor is inspired by the Gospel of the Beatitudes, by the poverty of Jesus and his love for the poor”.

Sa kasalukuyang panahon, may halaga lang ang mga mahihirap sa mga pulitiko at elected na opisyal ng pamahalaan sa panahon nang halalan. Kapag halalan, halos lumuhod ang mga kandidato sa mga botante upang sila ay ihalal, kapag nakaupo na sa puwesto., patay malisya na.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,750 total reads

 125,750 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,480 total reads

 157,480 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,307 total reads

 259,307 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,864 total reads

 299,864 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 315,150 total reads

 315,150 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 125,751 total reads

 125,751 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,481 total reads

 157,481 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,308 total reads

 259,308 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,865 total reads

 299,865 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top