EJK Truth Commission, itinatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,237 total reads

Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon hinggil sa mga kaso extrajudicial killings o EJK sa bansa.

Ayon sa EJK Truth Commission, itinatag ang komisyon bilang paggunita na rin ng Pilipinas sa halos isang dekada mula nang nagsimulang lumawak ang mga pagpaslang kaugnay sa inilunsad na kampanya kontra ilegal na droga noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ng EJK Truth Commission na bagama’t hindi nagsimula noong 2016 ang karahasan, nananatiling naghahanap ng katotohanan, hustisya, at paghilom ang libu-libong pamilya ng mga nasawi dahil sa lawak at tindi ng karahasang naganap na pagpaslang maging sa mga inosenteng indibidwal noong mga nakalipas na taon.

Ayon naman kay former International Criminal Court judge, Atty. Raul Pangalangan na magsisilbing Chairman for the EJK Truth Commission at Commissioner for Legal Affairs and Due Process, layunin ng binuong komisyon na matiyak na maririnig, mabeberipika, at mapapanatili ang mga kuwento ng mga biktima, survivor, at kanilang pamilya.

“The Truth Commission was created to ensure that the stories of victims, survivors, and families are heard, verified, and preserved. This is not about replacing the courts or assigning guilt. It is about building a credible truth record that can guide accountability, healing, reform, and the prevention of future violence,” Bahagi ng pahayag ni Pangalangan.

Magsisilbing adviser ng EJK Truth Commission si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Pagbabahagi ng komisyon, mahalaga ang paggabay ni Cardinal David upang mapanatili ang integridad, independence, at misyon ng nasabing Truth Commission lalo na sa usapin ng truth-seeking, due process, proteksyon sa mga survivor, confidentiality, at public trust.

Giit ni Cardinal David, ang katotohanan ay dapat protektahan hindi lamang bilang datos, kundi bilang isang bagay na may dignidad para sa mga pamilyang magbabahagi ng kanilang mga kuwento sa loob ng nakalipas na maraming taon.

“The truth must be protected not only as a matter of record, but as a matter of dignity for the families who have carried these stories for years,” Bahagi ng mensahe ni Cardinal David.

Kabilang din sa mga civilian commissioners na bubuo sa EJK Truth Commission sina Dr. Raquel Barros del Rosario-Fortun bilang Commissioner for Forensic Sciences and Independent Investigation na tutulong sa pagpapaunlad ng mga kapani-paniwalang pamantayan sa paghahanap ng katotohanan, kabilang ang mga protocol sa forensic review, at proteksyon sa ebidensya;
Dr. Al Fuertes bilang Commissioner for Psychosocial Support and Trauma Healing na gagabay sa trauma-informed practice, proteksyon sa mga nakaligtas, mga psychosocial protocol, at healing and recovery support; Fr. Daniel Franklin E. Pilario, CM bilang Commissioner for Church and Education, Truth Literacy, and Institutional Reform na tutulong sa pagsusulong ng truth literacy, prevention strategies, pampublikong edukasyon, at mga rekomendasyon sa reporma ng mga institusyon;
at Carlos Conde na magsisilbi bilang Commissioner for Public Documentation, Transparency, and Democratic Accountability, at Executive Director ng komisyon, na tutulong sa pagtatakda ng mga pamantayan para sa pampublikong dokumentasyon, pag-uulat, accessibility, transparency, at non-partisan public communication.

Pangungunahan ng mga commissioner ang pagsasagawa ng National Truth Hearings kung saan maaaring magbahagi ng testimonya ang mga biktima, survivor, pamilya, eksperto, lider-simbahan, civil society groups, at iba pang sektor sa ilalim ng survivor-centered at non-adversarial safeguards.

Maghahain din ang komisyon ng mga rekomendasyon at periodic reports kada anim na buwan sa mga kaukulang ahensya kabilang ang Commission on Human Rights, Department of Justice, National Police Commission, Kongreso, at Malacañang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,068 total reads

 49,068 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,765 total reads

 128,765 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,212 total reads

 162,212 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,510 total reads

 197,510 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,123 total reads

 422,123 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top