Plenary indulgence, makakamit sa ika-150 anibersaryo ng Reparatrix Sisters of the Sacred Heart

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,700 total reads

Ipinagkaloob ng Apostolic Penitentiary ang isang partikular na plenary indulgence sa pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng Reparatrix Sisters of the Sacred Heart.
Ito ang inanunsyo ng Diocese of Catarman sa pamamagitan ng dekreto ni Catarman Bishop Nolly Buco na naglalayong higit pang mapalalim ang debosyon ng mga mananampalataya sa Sacred Heart of Jesus at Immaculate Heart of Mary.

Ayon sa diyosesis, maaaring magkamit ng plenary indulgence ang mga mananampalatayang bibisita sa Community Chapel ng Reparatrix Sisters of the Sacred Heart sa St. Joseph Academy sa San Jose, Northern Samar at tutugon sa mga karaniwang kondisyon ng Simbahan tulad ng sakramental na kumpisal, banal na komunyon, pananalangin para sa intensyon ng Santo Papa, at pagkakaroon ng tunay na pagsisisi at diwa ng pagkakawanggawa.

Batay sa Decretum ng Apostolic Penitentiary, maaaring matamo ang biyayang espiritwal mula October 23, 2025 hanggang October 23, 2026 at maaari rin itong ialay para sa mga kaluluwa sa purgatoryo.

Hinimok din ng Diocese of Catarman ang mga mananampalataya na makibahagi sa banal na misa tuwing unang Sabado ng buwan mula Hunyo hanggang Oktubre 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng hubileyo ng kongregasyon.

Kabilang sa mga itinakdang petsa ng misa ang June 6, July 4, August 1, September 5, at October 3, 2026.

Dalangin ng diyosesis na sa pamamagitan ng biyayang ito ay higit pang lumalim sa mga mananampalataya ang diwa ng pagsisisi, pagbabalik-loob, at makapamilyang pagmamahal sa mga puso nina Hesus at Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,915 total reads

 86,915 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,727 total reads

 120,727 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,026 total reads

 156,026 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 382,296 total reads

 382,296 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,123 total reads

 271,123 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top