Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na tularan si San Felipe Neri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,593 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang halimbawa ni San Felipe Neri sa pagiging misyonero sa sariling pamayanan sa pamamagitan ng masayang paglilingkod, pakikipagkapwa, at malasakit sa kapwa.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Felipe Neri sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City kung saan binigyang-diin nito na hindi kailangang lumayo upang maipahayag ang Mabuting Balita.

Ayon kay Cardinal Advincula, tulad ni San Felipe Neri na tinaguriang “Apostol ng Roma,” ang bawat Kristiyano ay tinatawagan ding maging saksi ng paghilom, pagkakaisa, at muling pagsilang ng pananampalataya sa sariling tahanan at komunidad.

“Hindi natin kailangang lumayo upang maging misyonero. Ang ating tahanan, pamayanan, simbahan, at lipunan ay hitik sa mga pusong sugatan, nawawalan ng pag-asa, at naghahanap ng liwanag ni Kristo,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin nito na ang tunay na ebanghelisasyon ay hindi lamang sa pamamagitan ng pangangaral kundi sa simpleng kabutihan at masayang paglilingkod sa araw-araw.
“Hindi kailangang maging tanyag o makapangyarihan upang maipakilala si Hesus. Sa simpleng kabutihan, tapat na pakikipagkapwa, at masayang paglilingkod sa araw-araw, maaari nating ihatid ang liwanag ni Kristo sa iba,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang-buhay naman ng pamayanan ng San Felipe Neri Parish ang mensahe ng kardinal sa pamamagitan ng outreach program para sa mga jeepney at tricycle drivers na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Parish Pastoral Council President Maria Gudelia Cacdac-Guese, inilunsad ng parokya ang “Neri Outreach: Handog kay Manong Driver” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon.

Sa loob ng siyam na araw ng nobena, inimbitahan ng parokya ang mga driver na dumalo sa misa bago tumanggap ng grocery packs at bigas na nagkakahalagang P1,500 na pinondohan mula sa isinagawang fun run at mga donasyon ng iba’t ibang ministry ng simbahan.

“Kasi ang talagang focus ng fiesta ay para sa mga mahihirap… Hindi lamang magbibigay, kundi pati ang kanilang espirituwal na buhay ng kanilang sektor ay mabigyan din namin ng tuon,” pahayag ni Guese sa Radyo Veritas.

Umabot sa 100 jeepney at tricycle drivers mula sa mga rutang Boni, Hulo, at mga karatig-barangay ang natulungan ng programa.

Umaasa rin si Guese na sa pamamagitan ng mga homiliya at pagkilala kay San Felipe Neri ay muling manumbalik sa pananampalataya ang ilan sa mga dumalo sa outreach.

“Kung mayroon doon na napariwara, sana sila manumbalik sa pagsimba ulit, sa pananampalataya ulit,” saad ni Guese.

Plano rin ng parokya na ipagpatuloy ang mga outreach at fundraising activities upang mas marami pang mahihirap at sektor ng lipunan ang matulungan bilang konkretong pagsasabuhay ng misyon ng ebanghelisasyon sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,907 total reads

 86,907 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,720 total reads

 120,720 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,019 total reads

 156,019 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 382,289 total reads

 382,289 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,116 total reads

 271,116 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top