Executive Secretary Recto, kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,267 total reads

Nagsampa ng reklamong plunder at technical malversation sa Office of the Ombudsman si physician at public health advocate, Dr. Tony Leachon laban kina Finance Secretary Ralph Recto at iba pang opisyal ng gabinete.

Kaugnay ito ng paglilipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ₱107 bilyon mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Sa pamamagitan ng Nabua Law Office, iginiit ni Leachon na labag sa Universal Health Care Law at mga probisyon ng Sin Tax Law ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury dahil nakalaan ito para sa serbisyong pangkalusugan ng mga indigent member at primary care programs.

“This claim collapses under the Universal Health Care Law and Sin Tax earmarking provisions, which mandate that these funds remain within PhilHealth to support indigent members and primary care,” pahayag ni Leachon.

Ayon kay Leachon, nagresulta ang naturang hakbang sa kakulangan sa pondo ng PhilHealth mula 2023 hanggang 2025, hindi nabayarang mga ospital, at kakulangan sa suporta para sa cancer at dialysis programs.

Iginiit din niya na pinahina ng paglilipat ng ₱107 bilyong pondo mula sa PDIC ang proteksyon para sa mga depositor at bumaba ang tiwala ng publiko sa sistema.

Kabilang sa mga isinampang reklamo ang paglabag sa Republic Act No. 7080 o Plunder Law at Article 220 ng Revised Penal Code kaugnay ng technical malversation.

Nilinaw naman ni Leachon na hindi pulitika ang isinusulong ng kaso kundi pananagutan sa maling paggamit ng pondong inilaan para sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

“Sec. Recto has alluded that this issue is being “fanned” by politicians… No rhetoric can erase the human cost of these diversions,” ayon kay Leachon.

Nanindigan ang doktor na patuloy niyang isusulong ang kaso bilang pribadong mamamayan para sa integridad at kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

“Power does not excuse betrayal. Integrity must prevail,” giit ni Leachon.

Binibigyang-diin sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na ang pampublikong pondo ay dapat ilaan para sa kabutihan ng nakararami, lalo na ng mahihirap, alinsunod sa katarungang panlipunan at prayoridad sa mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,839 total reads

 13,839 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,026 total reads

 52,026 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,236 total reads

 70,236 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,564 total reads

 154,564 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,263 total reads

 191,263 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,137 total reads

 80,137 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top