Malawakang pagputol ng punongkahoy sa Quirino avenue, kinondena ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,705 total reads

Mariing kinondena ng Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) ang malawakang pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue, San Marcelino Street, at mga karatig lugar para sa Southern Access Link Expressway (SALEX) project sa Maynila.

Ayon sa grupo, mahigit 600 puno ang saklaw ng permit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang hindi bababa sa 225 puno na ang naputol dahilan upang maging lantad sa matinding init ang dating mayabong na urban corridor sa lungsod.

Iginiit ni PMPI National Coordinator Yolanda Esguerra, na bagamat may permit ang proyekto, hindi ito nangangahulugan ng “ecological justice” dahil mahalagang bahagi ng urban ecosystem ang mga matatandang puno na nagsisilbing proteksyon laban sa matinding init, polusyon, at pagbaha.

“What is happening along Quirino Avenue is not just tree cutting—it is the systematic erasure of living urban ecosystems. When we destroy mature trees in the middle of a climate crisis, and we know that this will result in long-lasting impacts to the community and people, we are committing harm that borders on ecocide,” pahayag ni Esguerra.

Binigyang-diin din ng PMPI na lumalabag ang malawakang pagputol ng puno sa “Rights of Nature” na kinikilala sa ilalim ng Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act na nagbibigay-halaga sa kalikasan higit pa sa pakinabang nito sa tao.

Nanawagan ang grupo sa DENR at pamahalaang lungsod ng Maynila na maging transparent sa environmental basis at approval process ng proyekto, magsagawa ng independent ecological review, at magpatupad ng science-based urban ecological restoration plan.

“The Rights of Nature demands that we treat these trees not as obstacles to development, but as vital members of our urban community whose well-being is tied to our own,” giit ni Esguerra.

Naninindigan ang PMPI na hindi dapat isakripisyo ang ecological stability kapalit ng imprastraktura at panandaliang kaginhawaan lalo na sa gitna ng lumalalang krisis sa klima sa Metro Manila.

Nauna nang kinondena ng Caritas Philippines ang malawakang pagputol sa mga puno at nanawagan sa mga kinauukulan na pagnilayang mabuti ang mga desisyong may malaking epekto sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,908 total reads

 86,908 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,721 total reads

 120,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,020 total reads

 156,020 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 382,290 total reads

 382,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,117 total reads

 271,117 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,423 total reads

 155,423 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top