Cardinal Tagle, emosyunal na ibinahagi ang karanasan ng mga migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,775 total reads

Naging emosyonal si Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Luis Antonio Cardinal Tagle, habang ibinabahagi ang karanasan ng mga migranteng naninirahan at naghahanapbuhay sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa kardinal, bilang isang opisyal ng Vatican, maituturing din niya ang sarili bilang migrante, kaya’t damang-dama nito ang mga pinagdaraanan ng kapwa Pilipino sa ibang bansa, partikular na ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na humaharap sa iba’t ibang hamon tulad ng digmaan at banta ng deportasyon.

Ibinahagi ito ni Cardinal Tagle sa kanyang keynote address sa ginaganap na Serviam Servant Leadership Conference ng Serviam Catholic Community Foundation, Inc., sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City noong June 12, 2025.

“Ngayon parang takot na takot ka kapag migrante ka. We do not know how you will be treated… That’s how dangerous the world it is. If you look at the many armed conflicts situation in the world, they are almost like tribal wars,” saad ni Cardinal Tagle.

Giit ng kardinal, hindi matatawag na tunay na “synodality” ang pagkakaroon ng sigalot at hindi pagkakaunawaan sa isang bansa, lalo na kung ito’y nagdudulot ng panganib at kaguluhan sa buhay ng mamamayan.

Sa paggunita ng Simbahan sa Jubilee Year of Hope, umaasa si Cardinal Tagle na malunasan na ang umiiral na kaguluhan at suliranin sa mundo, upang makamit ang tunay na kapayapaan at mapayapang pakikilakbay sa landas ng Panginoon.

“So please, itong Pilgrims of Hope let it be the humble walk of a servant like Jesus. The humble walk of God who will walk even with the strangers, even with those different from us. And it will be a journey where our destination does not disappoint,” ayon kay Cardinal Tagle.

Nagpaabot din ng panalangin ang kardinal para sa kaligtasan ng mga migranteng patuloy na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

“Please pray for our brothers and sisters who are living outside of our country and our culture,” dalangin ng kardinal.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 25,486 total reads

 25,486 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 246,103 total reads

 246,103 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 280,776 total reads

 280,776 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 296,676 total reads

 296,676 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 331,374 total reads

 331,374 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 94,974 total reads

 94,974 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top